^

PSN Showbiz

Ang paghaharap nina Aureus at Lizardo

-

MANILA, Philippines - Isang matinding pagsubok ang haharapin ng tatlong bagong tagapagligtas sa Panday Kids ni Carlo J. Caparas.

Ngayong Huwebes, sa pamamagitan ni Kakak, malalaman ni Lizardo kung nasaan si Aureus. Pupunta si Lizardo sa mundo ng mga tao at hahanapin kay Aureus ang Panday Kids.

Hindi sasabihin ni Aureus kung nasaan ang Panday Kids kaya siya ang kakalabanin ni Lizardo. Hamak na mas malakas si Lizardo kesa sa kanya kaya matatalo si Aureus.

Magliliwanag naman ang kamay ng mga bata. Alam nilang tinatawag sila ng espada. Mag-aalala sila para kay Aureus kaya magmamadali silang makabalik. 

Magkakaroon na naman ng pangitain si Ola. Makakarating ang mga bata sa junkshop, makikita nilang wala ng malay si Aureus. Isusugod nila sa ospital ang kanilang guro.

May mahinang tibok pa ang puso ni Aureus pero sabi ng doktor, hindi na rin ito magtatagal. Magpapaalam ang Panday Kids kay Aureus na walang malay. Magso-sorry sa ginawa nilang pagtakas, mangangako na gagawin nila ang tung­kulin… hanggang sa maging abo ang katawan ni Aureus.

Isusugod din ni Fatima sa ospital ang lalaking nagligtas sa kanya-si Fredo. Pero sabi ng mga doktor, brain-dead na si Fredo. Kung kailan naman tatanggalin na ang life support ni Fredo, saka naman didilat si Fredo. Sumanib na sa katawan niya ang kaluluwa ni Aureus.

vuukle comment

ALAM

AUREUS

CAPARAS

CARLO J

FATIMA

FREDO

ISUSUGOD

LIZARDO

NGAYONG HUWEBES

PANDAY KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with