Justin Timberlake bubulaga sa launching ng TV5

Tinupad ni Jackie Rice ang ipinangako nang ipa-interview ng GMA Artist Center na kapag may dapat na siyang aminin sa kanyang lovelife, aamin din siya. Sa taping ng Tisay episode ng Dear Friend nila ni Joross Gamboa sa direksiyon ni Jun Lana at eere simula April 18, inamin nito ang magtu-two monts nilang relasyon ng BF niyang si Andrew.

Pangalan lang ng BF ang sinabi ni Jackie at saka na ang full name nito. Gusto raw mag-Law ang 25 years old niyang BF at maganda ang usapan nilang walang pakialaman sa kanilang trabaho. Kaya puwede pa ring magpa-sexy si Jackie gaya ng pictorial niya sa FHM.

Sa tanong kung sino ang mas guwapo kina Andrew at sa ex niyang si Biboy Ramirez, ang balik na tanong ni Jackie ay “guwapo ba si Biboy?” Nilinaw nitong wala siyang masamang ibig sabihin sa kanyang reaction at ‘wag na raw sanang gawing big issue.

Samantala, role ng isang GRO ang gina­gampanan ni Jackie sa Dear Friend at madalas naka-shorts lang, kaya naka-display ang maganda at long legs na makinis. Bukod sa magandang mukha, ang legs ang asset ni Jackie at ginagawa raw niya ang lahat na darating ang araw na makilala naman siya bilang aktres.

* * *

Hindi lang pala ang special number nina Joey de Leon, Vic Sotto at Dolphy ang aabangan sa trade launch ng TV5 mamaya, ito’y kung totoong darating sa event si Justin Timberlake dahil ang network ang carrier ng concert nina Timberlake, Jojo at Timberland.

Sakaling dumating si Justin Timberlake, ‘wag daw umasa ang guests sa trade launch na kakanta ito dahil bawal yatang kumanta ito maliban sa concert na sa Sabado.

Si Timberlake ang rason kung bakit may ilang celebrities na interesadong um-attend sa trade launch ng TV5 kahit hindi pa sila contract star ng istasyon.

* * *

Guest judge si Richard Gutierrez sa Diz Iz It! this Thursday at tingnan nga natin kung tama ang pipiliing winner ng actor. Live ang guesting nito sa show at talagang gigising siya ng maaga para maging part ng show.

 ‘Katuwa lang dahil nasa katapat na Showtime naman si Anne Curtis, kasama ni Richard sa pelikulang In Your Eyes together with Claudine Bar­retto sa direction ni Mac Alejandre at may shooting na sila sa March 29.

Pinaghahandaan na rin ni Richard ang pagho-host niya ng Survivor Philippines: Celebrity Edition at very much aware itong marami ang nagdududa sa kakayahan niyang i-host ang reality show.   

* * *

Sa Last Prince, matatalo si Guwarko (Elvis Gu­tierrez), pero ang kamatayan ni Javino (Geoff Eigen­mann) ang kapalit nito at magluluksa ang buong Pala­dino. Tutulungan ni Rizayo (Benjie Paras) si Almiro (Aljur Abrenica) na makita si Lara (Kris Bernal).

Magagalit si Adorno (Emilio Garcia) na muling bumalik sa mundo si Almiro para puntahan si Lara. Araw na ng kasal ni Lara kay Nicolai (Daniel Matsunaga) at pipigilan ito ni Almiro. 

Show comments