Para mag-rate, Party Pilipinas tinambakan ng mga Kapuso
May career sa Singapore ang Philippine Idol winner na si Mau Marcelo dahil kumakanta siya sa mga bar doon, kasama ang isang banda.
Nanggaling ang impormasyon tungkol kay Mau mula sa reader ng PSN na nakatira sa Singapore.
Mahusay na singer si Mau pero hindi nakatulong ang Philippine Idol title para sumikat siya sa sariling bayan.
Ibinalita rin ng reader na napapanood sa mga cable channel sa Singapore ang ice cream commercial ng pamilya nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Dubbed in English ang commercial kaya naiintindihan ito ng mga tao sa Singapore.
* * *
Thirteen million hanggang fifteen million dollars ang kinita raw ni Manny Pacquiao mula sa laban nila ni Joshua Clottey.
Ang ibig sabihin, hindi accurate ang naunang balita na US$12 million ang take home pay ni Manny. Ayoko nang i-convert sa peso ang datung na napanalunan ni Manny pero sapat na ito para mag-isip siya na magretiro sa paglalaro ng boxing.
* * *
Hindi na ako naniniwala sa mga survey. Ang tagal-tagal ko na sa showbiz pero ni minsan, walang representative ng mga survey company na lumapit at nagtanong sa akin kung sino ang iboboto ko. Sino nga ba talaga ang tinatanong ng mga survey company? Ano ang basehan nila sa pagpili ng mga isasali sa survey?
Ito ang napag-usapan namin kahapon ni Arnold Clavio sa radio program niya sa dzBB. Agree kasi ako sa hindi pagsipot ni Edu Manzano sa Harapan ng ABS-CBN dahil nagmukhang kaawa-awa ang mga vice-presidentiable sa kanilang balitaktakan. Itsurang nagbigay sila ng matitinong sagot, hindi pa rin sila pinaniwalaan.
Ganyan ang nangyari kay Senator Loren Legarda pero kahit parang na-set up siya, marami ang nakisimpatiya sa kanya, lalo na ‘yung mga intelligent televiewers na hindi basta naniniwala sa mga survey.
Nakita ko talaga ang kaibahan ng mga forum ng GMA 7 para sa mga kandidato. Wala silang kinikilingan o pinapanigan.
* * *
Tututukan ko ang pilot telecast ng Party Pilipinas sa darating na Linggo dahil gusto kong makita kung paano pagkakasyahin sa isang show ang napakaraming artista.
Kasali yata sa Party Pilipinas ang lahat ng mga contract star ng Kapuso network. Lahat halos ng mga young star na nakasalubong ko sa hallway ng GMA eh nagsabi na ka-join sila sa Party Pilipinas.
Mahirap isa-isahin ang kanilang mga pangalan dahil kukulangin ako sa espasyo. Watch na lang tayo sa Linggo!
- Latest