Dahil sa kaka-boxing, boobs ni Valerie lumaki

MANILA, Philippines - After ABS-CBN, ang TV5 naman ang magka­karoon ng trade launch at bukas na ito gaganapin sa World Trade Center. Si Manny V. Pangilinan ang mangunguna sa pagwi-welcome ng invited guests, advertisers, celebrities, contract stars ng network at press people.

Ihahayag na ang mga show ng TV5, ipakikilala ang kanilang contract stars at kung hindi kami nagkakamali, ipalalabas ang SID o Station ID ng network. Ipinauna na sa amin na baka magulat kami sa mga ipakikilalang talents na lalabas sa mga programa ng TV 5.

Hosts sa trade show sina Ryan Agoncillo at Paolo Bediones, may dance number si Lucy Torres at may special number na magkakasama sina Vic Sotto, Joey de Leon at Dolphy. First time mapapanood ang tatlo sa isang number kaya very, very special ito.

* * *

Kasama ni Valerie Concepcion ang anak na si Fiona sa presscon-launching ng kanyang Punch Out Fitness Video, ang instructional video mula sa Viva Video, Inc., kasama ang sportscaster at boxing analyst na si Mike Ochosa na siya ring may idea ng video.

Kamukha ni Ali Sotto at mother ni Valerie ang anak na gusto ring mag-artista, kaya lang mahiyain pa ang bata. Tsika ni Valerie, sipsip sa kanya ang anak dahil ’pag nakikitang cover siya ng magasin, paulit-ulit na sasabihing maganda siya. Never pang nakikita ng bata ang kanyang ama at hindi na rin ito nagparamdam.

Ang Punch Out Fitness Video ay program on boxing fundamentals considered the best form of fitness regimen. Magbibigay din ito ng guide sa mga viewers on vital physical moves gaya ng proper boxing stance, footwork, jabbing at iba pa.

Bagay na host ng Punch Out Fitness Video si Valerie with her 34-26-36 vital stats dala ng one-month training. Idagdag pang mas naging firm ang boobs niya dahil sa boxing.

* * *

Nabasa namin sa Twitter account ni Kiko Rustia na he’s to fly to New York dahil isa siya sa Top 20 na napili worldwide search para sa next Benetton campaign. Kasama na ang picture ng produkto ng Season 1 ng Survivor Philippines at isa sa dalawang hosts ng Born to be Wild sa website ng Benetton casting.

Kung hindi kami nagkakamali, first time na may Filipino na napasama sa Benetton campaign at si Kiko ’yun, kaya congratulations. May ilang Pinoy ding pumasok sa Top 100 at kasama sila sa ipi-feature sa libro ng Benetton.

Kasama ni Kiko sa Top 20 ay ang finalists from Dominican Republic, UK, Korea, Ukraine, Italy, Kazakhstan, Netherlands, Hong Kong, India, Czech Republic, Switzerland, Belgium, France, Spain, Iran, Germany, at USA.

* * *

Ngayong Wednesday sa Panday Kids, patuloy na magkakaroon ng pangitain si Ola (Jolina Mag­dangal) at sasabihin ni Mariang Makiling ang kahu­lugan ng kanyang mga nakikita. Hindi maniniwala si Ola dahil ang alam niya ay peke siyang manghuhula.

Lalabas na si Paulo Avelino bilang si Fredo at magliligtas kay Fatima (Rich Asuncion), ihahabilin sa kanya ng kapatid si Fatima, pero mababaril si Fredo ng isang goon.

Sa pamamagitan ni Kakak, malalaman ni Lizardo (Marvin Agustin) kung nasaan si Aureus. Pupunta si Lizardo sa mundo ng tao at hahanapin kay Aureus ang Panday Kids. (Nitz Miralles)

Show comments