^

PSN Showbiz

Kahit may jetlag, Manny nagbigay ng free show

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Suportado ko ang pasya ni Manny Pacquiao na mag-retire siya sa boxing. Wala nang dapat pa­tu­nayan si Manny dahil naipakita niya sa buong mundo ang kanyang husay.

Nagbigay na si Manny ng honor sa ating bansa, kom­portable na ang pamu­muhay ng kanyang mga mahal sa buhay kaya panahon na para mag-relax siya at i-enjoy ang bunga ng mga paghihirap niya.

Literal na dugo at pawis ang puhunan ni Manny sa boksing. Saksi ang buong mundo sa pag-agos ng dugo sa kanyang mukha kapag napupuruhan siya ng suntok ng mga nakakalaban niya sa boxing ring.

Mas bongga na mag-retire si Manny habang nasa tuktok siya ng tagumpay. Huwag niyang hayaan na maranasan ang nangyari kay Jose Luis Castillo, ang Mexican boxer na sumuko sa laban nila ni Alfonso Gomez sa round 5.

Na-feel ni Castillo ang sobrang pagod kaya ora mismo, nag-retire siya sa boxing at napanood ito ng buong mundo dahil ang laban nila ni Gomez ang sinundan ng laban nina Manny at Joshua Clottey.

Bilyonaryo na si Manny dahil sa mga dolyares na kinita niya sa boxing at sa milyones na ibinayad sa kanya sa mga product endorsements. Secured na secured na ang future ng apat na anak nila ni Jinkee. Puwede nang mag-goodbye si Manny sa boxing, anumang oras na gustuhin niya.

* * *

Hindi tinalo ng jetlag si Manny dahil punumpuno ang kanyang schedule kahapon, nagsimba siya sa Quiapo, nag-courtesy call kay President Gloria Macapagal-Arroyo, nag-motorcade bilang pasasalamat sa kanyang mga supporters, at nagkaroon ng free concert sa Mall of Asia.

Love talaga ni Manny ang pagkanta dahil kesehodang pagod sa mahabang biyahe at hectic schedule, super-sing siya sa Mall of Asia show. Umapir sa free concert ni Manny ang mga artista ng First Time at si Jennylyn Mercado.

* * *

Narinig ko sa presscon ng Working Girls 2010 ang tsismis na nakita na magkasamang nagpunta sa Boracay sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao kaya ito ang isyu na itinanong kay Ruffa Gutierrez dahil isa ito sa mga bida ng joint venture ng GMA Films, Viva Films, at Unitel Pictures.

Nag-react ba si Ruffa sa mga tanong ng press? Hindi, dahil matalino si Ruffa para i-dignify ang isang isyu na wala siyang kinalaman. Smart si Ruffa dahil alam nito na kahit safe ang mga sagot niya, tiyak na mabibigyan ng ibang kahulugan kaya no comment siya.

* * *

Nakalimutan ko na ikuwento na after three years, nagkita sina Ruffa at Dolly Anne Carvajal sa presscon ng Nokia Ovi Maps.

Parang hindi nagkaroon ng misunderstanding ang dalawa nang magkita at magkakasama pa sila sa isang talk show ng TV 5!

Siyempre, natuwa ako sa pagbabati nina Ruffa at Dolly Anne dahil dati naman silang magkaibigan. Napakaliit ng showbiz para hindi sila magkita.

Sa totoo lang, hindi nagtatanim ng galit si Ruffa. Kung ire-review ninyo ang kanyang track record sa showbiz, walang nakakaaway na artista si Ruffa. Nadadamay siya sa showbiz controversy pero wala tayong nabalitaan na nanugod si Ruffa o nakipagtalakan. Isa lang ang madalas na makaaway ni Ruffa at hindi na ito bago dahil love-hate ang relationship nila, ang kanyang madir na si Annabelle Rama!

                                                    

vuukle comment

ALFONSO GOMEZ

ANNABELLE RAMA

DAHIL

DOLLY ANNE

MALL OF ASIA

MANNY

RUFFA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with