Tama ang hinala naming sa Hollywood movie na ipo-produce ni Dean Devlin, na may mga eksenang gagawin dito, binalak mag-audition ni Ruffa Gutierrez. Dahil sa payo ni Annabelle Rama, hindi na itinuloy ni Ruffa ang pag-o-audition dahil totoo namang sa rami ng mga projects, mahihirapan siyang gumawa ng pelikula na may location abroad.
Ayon kay Ruffa, nang makausap namin sa thanksgiving mass for her brother Richard Gutierrez, si Miriam Quiambao na lang ang pinapunta niya sa audition at nabalitaan niyang maraming Pinoy actors ang nag-audition.
Hectic ang schedule ni Ruffa dahil this month na siya magsisimulang mag-taping ng drama anthology niya sa TV 5 at sa April 4, pilot ng Paparazzi. Nagpu-promote pa siya ng Working Girls 2010 na showing sa April 21, at willing siyang mag-promote sa GMA 7.
Involved si Ruffa sa kanyang drama anthology at personal nitong tinawagan si Laurice Guillen para magdirek ng drama episode. Si Joyce Bernal ang director ng comedy episode at si Joel Lamangan ang magdidirek ng mala-The Devil Wears Prada episode.
Binanggit ni Ruffa sina Aga Muhlach, Robin Padilla, Cesar Montano, Richard Gomez, at Sen. Bong Revilla, Jr. na puwede niyang makapareha’t walang kontrata ang mga ito sa ABS-CBN at GMA 7. Gusto niyang mala-Mr. & Mrs. Smith ang story nila ni Robin at serial killer naman ang role ni Cesar sa episode nila.
* * *
Sandali naming nakausap si Camille Hermoso, EP ng Bubble Gang at Pepito Manaloto at tungkol sa sama ng loob sa kanya at sa ilang staff ng Bubble Gang ang aming itinanong.
Hindi pagsisimulan ng galit ni Francine Prieto ang sagot ni Camille na hayaan na lang ang aktres at iniintindi na lang niya na problema nito ang may sakit na ina.
Ang alam ni Camille, na source ng muling paglalabas ni Francine ng galit sa kanya at ilang staff ng gag show, ay ang comment sa article ng aktres sa PEP, pero ayaw na niyang palakihin. Dedma na rin siguro si Camille sa tweet ni Francine na magiging good EP si Diego dahil mabait at maalaga sa kanya noong nasa show pa siya.
* * *
Hula namin, may problema ang sikat na aktres sa kanyang manager dahil wala ang aktres sa importanteng okasyon sa pamilya ng kanyang manager.
Wala rin ang talent manager sa launching ng bagong endorsement ng aktres at ’di rin namin naririnig na binabanggit ang aktres at mga activities niya ng kanyang manager. Feeling namin, may kinalaman sa kontrata ng aktres ang isyu nila ng kanyang manager.