^

PSN Showbiz

RMN-DZXL gigisahin ang mga presidentiables

-

MANILA, Philippines - Isang matapang at natatanging presidential forum ang ihahatid ng RMN-DZXL dalawang buwan bago ang eleksyon, ang Akma Ka Ba, Mr. Presi­dentiable?

Simula ngayong March 22, ito ay mapapakinggan sa radio show nina Jake Maderazo at Grace Ver­gel Mariano na Taum­ba­yan Naman, araw-araw mula 10 a.m. hang­gang 12 n.n.

Ang Akma Ka Ba, Mr. Presidentiable? na galing sa Anong Karapatan Mo at Kandidato Ka sa Bayan, Mr. Pre­si­den­tiable? ay magpa­pakita ng mga ka­to­tohanan sa likod ng mga paninira at mga is­yu na kina­sa­sangkutan ng mga kandidato at ng bayan.

“Sinisigurado namin na sa pamamagitan ng seg­­ment naming ito, mabibigyan namin ang publiko ng mas maliwanag na pagpa­pakilala para sa kanilang magiging desisyon kung sino ang dapat mamuno sa ating bansa,” sabi ni Jake.

Sa Akma Ka Ba, Mr. Presidentiable, bawat kan­didato ay makikibahagi sa dalawang round ng interview — ang una ay tungkol sa katotohanan (hot cam­paign issues), habang ang pangalawa naman ay tungkol sa “governance” (platforms).

Bawat session ay tatagal ng 90 minutes. Lahat-lahat, ang mga kandidato ay mabibigyan ng segment ng 180 minutes para kumbinsihin ang taumbayan.

“Ang oras na ito ay magpapakita ng kagalingan at katalinuhan o kawalang-alam ng isang kandidato. Pati na rin kalakasan at kahinaan nito,” dagdag pa ni Jake. “Bilang taga-media, nilalayon namin na maka­tulong sa publiko na makapili ng tamang kandidato para sa kinabukasan ng bansa.”

Bukod sa mga anchor, mayroon ding mga eksper­to na magiging parte ng panel. Magkakaroon din ang mga nakikinig ng pagkakataon para magtanong.

AKMA KA BA

ANG AKMA KA BA

ANONG KARAPATAN MO

GRACE VER

JAKE MADERAZO

KANDIDATO KA

MR. PRE

MR. PRESIDENTIABLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with