Kris missing sa station ID ng Kapamilya; Bilbil ni Angelica, umaalug-alog

SEEN : Ang text message mula sa direktor na si Brillante Mendoza: Brillante Mendoza’s LOLA wins Harima­guada Golden trophy, Ex Aequo best actress for Anita Linda and Rustica Carpio, best photography to Odyssey Flores at the Las Palmas Interna­tional Film Festival in Spain.

SCENE : Dinala ng ABS-CBN management sa Boracay ang mga advertisers ng kanilang network.

SEEN : Tumanggi si Angelica Panganiban na magpa-interbyu sa TV crew ng ABS-CBN na nakakita sa kanya sa Boracay.

Nairita ang TV crew dahil nakatutok na ang ka­nilang camera nang bulungan sila na hindi pu­wedeng magpa-interview si Angelica.

SCENE : Iniuwi nina Rosa Rosal at Toni Rose Gayda sa kanilang condo unit noong Sabado ng gabi ang urn na kinalalagyan ng abo ni Edward James Lim, ang 27-year-old son ni Toni.

Nahulog si James mula sa veranda ng 4th floor ng kanilang condo unit noong Biyernes nang madaling-araw.

SEEN : Hit na hit si Christian Bautista sa kanyang show sa Pattaya, Thailand dahil popular dito ang kanyang old hit song na The Way You Look at Me.

SCENE : Ang Pinoy na Pinoy at magandang summer station ID ng ABS-CBN. Missing sa station ID sina Willie Revillame, Kris Aquino, Gabby Concepcion, at Lorna Tolentino.

SEEN : Umaalug-alog ang bilbil ni Angelica Panganiban habang sumasayaw siya sa launch kahapon ng ABS-CBN summer station ID.

SCENE : Two hundred houses ang ipi­nangakong donasyon sa Gawad Kalinga ng Spanish singer na si Julio Iglesias.

May concert ang veteran singer sa Araneta Coliseum.

Show comments