Ngayong umaga ang dating ni Manny Pacquiao mula sa Los Angeles, California. Ang ibig sabihin, hindi itinuloy ni Manny ang balak na pagpunta sa Hawaii para makipag-meet and greet sa kanyang fans na na-disappoint dahil hindi natuloy ang concert niya sa Waikiki Shell, Honolulu.
Live na mapapanood sa Unang Hirit ang hero’s welcome kay Manny sa Centennial Airport. Tulad ng dati, sasalubong sa pagdating ni Manny ang kanyang mga anak na miss na miss na niya.
Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, ang pangangampanya ang pagkakaabalahan ni Manny na kumakandidatong congressman sa Saranggani.
* * *
Napilitang sumayaw si Nonito Donaire, Jr. sa show ng GMA Pinoy TV sa San Francisco, California.
Ni-rehearse nang husto ni Nonito ang kanyang dance number dahil ayaw niyang mapahiya sa mga Pilipino na nanonood ng kanilang show.
Kasama ni Nonito sa GMA Pinoy TV show sina Dennis Trillo, Jay-R, Steven Silva, at Mark Herras
Napagod si Nonito sa paghihintay sa dance number niya kaya nag-dialogue siya na mas madali para sa kanya ang lumaban sa boxing.
* * *
Pagkatapos ng Startalk noong Sabado, nagpunta ako sa burol ng anak ni Toni Rose Gayda sa Sanctuario de San Jose, Greenhills para makiramay.
Nakangiti si Toni Rose habang nag-uusap kami pero halatang-halata sa kanyang mga mata ang sobrang lungkot na nararamdaman.
Tumatawa si Toni Rose pero bigla siyang naiiyak kapag napag-uusapan ang bunsong anak na si Edward James Lim kaya na-feel ko na nag-sink in na sa kanya ang masakit na katotohanan.
Nagkakuwentuhan rin kami ni Tita Rosa Rosal sa burol ni James. Saludo ako sa sinabi ni Tita Rose na dapat tayong magpasalamat kay God, hindi lamang para sa good times kundi pati na rin sa bad times.
Huli kaming nagkita ni Tita Rose sa burol ng asawa ni Ted Failon sa Funeraria Nacional at nang magkita kami uli, sa lamay ng kanyang mahal na apo na. Nakaramdam ako ng melancholia ha?
* * *
Heto ang e-mail ng pasasalamat na natanggap ko mula kay Ariel De Vega (adevega18@yahoo.ca) ng Canada na nagpapatunay na totoong tao siya at hindi paninira ang news na ipinadala niya sa PSN:
“Tita Lolit, Good day sa ‘yo. Thanks for publishing my e-mail regarding derailed Nora Aunor concert here in Vancouver and thanks pa rin at inilagay mo pa ang e-mail address ko.
“Ang dami kong natanggap na e-mail from Nora Aunor fans, may mga nagagalit at violent reaction but in fairness, marami ang concerned at agree sa e-mail ko.
“I don’t intend to do harm or siraan si Nora, ang sa akin lang, matuto sana siyang tumupad sa responsibility niya kung talagang gusto niya na maibalik ang career na ewan kung meron pa.
“I pity German Moreno sa patuloy na pagtatanggol sa kanya. Hindi totoong walang boses si Nora, hindi lang talaga siya nag-rehearse. If I were Kuya Germs, hindi na ako masyadong mag-aaksaya ng oras para ma-revive pa ang career ni Nora.”