Gretchen Fullido maghahatid ng bagong balita sa Studio 23

MANILA, Philippines - Maging updated sa pinaka-sariwang sports at showbiz news sa loob at labas ng bansa sa pina­kabagong handog ng Studio 23 sa primetime, ang The Wrap.

Samahan ang anchor na si Gret­chen Fullido sa kanyang pagbibi­gay ng 15-minute rundown ng pinakaba­gong kaganapan sa local at international sports at enter­tainment scene kasabay na ang mga dapat n’yong malaman tung­kol sa mga paborito niyong artista at atleta.

Tunghayan din sa The Wrap ang mga balita pag­­dating sa mu­sika, nakakaintrigang blind items, pati na rin ang pinag-uusa­pang tweets ng mga si­kat na perso­nali­dad. Huwag itong pala­lam­­­pa­­sin araw-araw sa ganap na 7:45 p.m.

Samantala, bubusisiin din ng mul­­ti-awarded public affairs prog­ram na Y-Speak kasama si Bian­­ca Gonzalez ang mundo ng Twitter ngayong Sabado (March 20), 7:00 p.m. Alamin kung bakit na­hu­­humaling ang mga kabata­an sa naturang social networ­king site at kung paano nila na­ga­gawa na ipahayag ang ka­nilang saloo­bin sa loob lamang ng 140 characters.

Mula sa mga local na progra­ma, handog din ng Studio 23 ang mga marathon ng paborito ninyong foreign shows ngayong Holy Week.

Panoorin ang fourth season marathon ng Lost sa Huwebes (April 1), third season marathon ng Ghost Whisperer sa Biyernes (April 2), at third season marathon ng Brothers and Sisters sa Sabado (April 3) sa ganap na 10:00 ng umaga.

Sa pagtatapos ng Semana Santa, salubungin agad ang summer kasama pa rin ang inyong Ka­bar­kada network sa paghahatid nito ng pinakabagong season ng 90210 at CSI ngayong Abril.

Isang simulang puno ng pag-asa ang sasalu­bong sa mga kabataan ng Beverly Hills sa second season premiere ng 90210 sa Biyernes (April 9), 7:00 p.m. Muling mabubuo ang grupo nina Naomi, Silver, at Adrianna, habang si Annie ay patuloy na ilalayo ang sarili matapos ang nangyari sa prom noong nakaraang taon. Determinado naman si Liam na muling makuha ang puso ni Naomi na tila nakatuon naman ang pansin sa bagong saltang lalaki sa West Beverly High.

Sa kabilang dako, isa namang malungkot na balita ang bubukas sa ika-siyam na season ng CSI sa Linggo (April 18), 8 p.m., dahil sa pagkakapaslang kay Warrick Brown sa Las Vegas. Halos ’di matanggap ng buong grupo ng CSI ang nangyari sa kasama pero matatanggap kaya nila ang katotohanan na isa pala sa kanila ang may kagagawan ng krimen? 

Show comments