Gretchen Fullido maghahatid ng bagong balita sa Studio 23
MANILA, Philippines - Maging updated sa pinaka-sariwang sports at showbiz news sa loob at labas ng bansa sa pinakabagong handog ng Studio 23 sa primetime, ang The Wrap.
Samahan ang anchor na si Gretchen Fullido sa kanyang pagbibigay ng 15-minute rundown ng pinakabagong kaganapan sa local at international sports at entertainment scene kasabay na ang mga dapat n’yong malaman tungkol sa mga paborito niyong artista at atleta.
Tunghayan din sa The Wrap ang mga balita pagdating sa musika, nakakaintrigang blind items, pati na rin ang pinag-uusapang tweets ng mga sikat na personalidad. Huwag itong palalampasin araw-araw sa ganap na 7:45 p.m.
Samantala, bubusisiin din ng multi-awarded public affairs program na Y-Speak kasama si Bianca Gonzalez ang mundo ng Twitter ngayong Sabado (March 20), 7:00 p.m. Alamin kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa naturang social networking site at kung paano nila nagagawa na ipahayag ang kanilang saloobin sa loob lamang ng 140 characters.
Mula sa mga local na programa, handog din ng Studio 23 ang mga marathon ng paborito ninyong foreign shows ngayong Holy Week.
Panoorin ang fourth season marathon ng Lost sa Huwebes (April 1), third season marathon ng Ghost Whisperer sa Biyernes (April 2), at third season marathon ng Brothers and Sisters sa Sabado (April 3) sa ganap na 10:00 ng umaga.
Sa pagtatapos ng Semana Santa, salubungin agad ang summer kasama pa rin ang inyong Kabarkada network sa paghahatid nito ng pinakabagong season ng 90210 at CSI ngayong Abril.
Isang simulang puno ng pag-asa ang sasalubong sa mga kabataan ng Beverly Hills sa second season premiere ng 90210 sa Biyernes (April 9), 7:00 p.m. Muling mabubuo ang grupo nina Naomi, Silver, at Adrianna, habang si Annie ay patuloy na ilalayo ang sarili matapos ang nangyari sa prom noong nakaraang taon. Determinado naman si Liam na muling makuha ang puso ni Naomi na tila nakatuon naman ang pansin sa bagong saltang lalaki sa West Beverly High.
Sa kabilang dako, isa namang malungkot na balita ang bubukas sa ika-siyam na season ng CSI sa Linggo (April 18), 8 p.m., dahil sa pagkakapaslang kay Warrick Brown sa Las Vegas. Halos ’di matanggap ng buong grupo ng CSI ang nangyari sa kasama pero matatanggap kaya nila ang katotohanan na isa pala sa kanila ang may kagagawan ng krimen?
- Latest