Magpa-discover sa Road to Fame

MANILA, Philippines - Dahil summer na, isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ay mga acting at modeling workshops. Puwede nang subukan ang kakayahan sa Road to Fame: The Philippine Fashion and Model Congress sa Festival Supermall sa Filicity, Alabang.

Makakakuha ng best tips sa mga industry professionals tungkol sa ID Presentation (March 20); Basic Emotions and Facial Expression (March 27); Camera Acting (April 10); Scene, Blockings, Lines, Audio and Non-Audio (April 17); Labels, Body Movements, and Tags (April 24), Character (May 1); at Final VTR, Casting, and Evaluation (May 8). Pamumunuan ng Chase Productions, ang workshop series na tatakbo tuwing Sabado ng 2 p.m. ay gaganapin sa Mini Trade Hall.

Ang Road to Fame workshop series ay bukas sa unang 50 registrants, first come-first served basis.

Ang minimum purchase ay P500 lang sa kahit saang regular Festival Supermall store o outlet at magkakaroon na ng isang certificate na may My Fame and Fortune electronic pin. Iprisinta lang ang tape at opisyal na resibo para makuha ang sertipiko na siyang kailangang iriprisinta sa venue ng workshop.

Maaari ring gamitin ang sertipiko para sa Road to Fame casting event kahit hindi ito puwedeng gamitin sa workshop area. Kailangang may ika­lawang certificate na kukunin para maka-attend sa casting event at workshop.

Ang Festival Supermall ay may 80 apparel outlets at boutiques para sa mga bata, babae’t lalaki, at kahit ang may plus sizes. Ito lang ang mall na may limang anchor stores: Shopwise, Supercenter, SM SaveMore, Robinsons Department Store, Ace Hardware, at Handyman.

Show comments