Kotseng gamit ni Aljur regalo ng apo ni Henry Sy
MANILA, Philippines - Sa March 26 pa ang birthday ni Aljur Abrenica at maagang dumating ang pinakamagandang birthday gift sa kanya at ito’y ang pagkaka-dismiss ng Child Abuse case na isinampa sa kanya ni Michelle Saludo.
Samantala, topic sa Internet ang diumano’y ilang beses na sighting kay Aljur na ka-date ang apo ni Henry Sy. Nakikitang magkasama ang dalawa, kaya lang, walang mga lugar na binanggit kung saan nasa-sight ang dalawa.
Pinaghinalaan pa si Aljur na binigyan ng expensive car ng dalaga, pero may komontra rin at sinabing sariling sasakyan ng actor ang gamit-gamit nito.
Ano kaya ang masasabi ni Kris Bernal sa bagong tsika sa ka-loveteam niya sa The Last Prince? Sabagay, si Kris din naman ay nali-link sa iba, kaya patas na sila ni Aljur.
May birthday concert si Aljur sa Zirkoh sa March 26 dubbed I’m Yours at guests niya sina Kris, Allan K, at Jolina Magdangal.
* * *
Agad isasalang si JC de Vera sa mga show ng TV5 at sa Sabado, magti-taping na siya ng gag show na Lokomoko U. Kasama rin sa mga show ng aktor sa TV5 ang drama anthology, isa pang kino-conceptualize na show at musical-variety show na magpa-pilot sa April 4.
Nang tingnan namin sa calendar, Sunday ang nasabing petsa at ibig sabihin, tatapatan ng istasyon ang ASAP ng ABS-CBN at Party Pilipinas ng GMA 7. Dahil three-year non-exclusive contract ang pinirmahan ni JC, marami pa siyang shows na gagawin sa bago niyang network.
Hindi na sinagot ni JC kung magkano ang talent fee sa three years na contract star siya ng TV5 at inulit ang rason na gusto lang niyang magtrabaho ng magaan ang pakiramdam at walang iniisip na problema. (NITZ MIRALLES)
- Latest