MANILA, Philippines - Nanay na nanay na ang dating Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez.
Bitbit ni Joyce ang anak niyang limang buwan na si Jorca, ang panganay nila ng asawa na si Paul Ely Egbalic nang makipagtsikahan siya sa ilang kaibigang press.
Sa Amerika siya nanganak pero last February ay dumating silang mag-ina ng bansa.
Cutie ang anak ni Joyce at hindi iyakin.
Habang nakikipag-tsikahan siya sa ilang kaibigang press, nakikipag-tsikahan din ang baby dahil panay ang ngiti at hawak sa mga bumabati sa kanya.
Tumatanggap na rin si Joyce ng work at isinasabay na niya ang pag-aasikaso sa kanyang negosyong Private Joyce na pansamantala niyang iniwan nang magbuntis siya.
Nagbi-breastfeed si Joyce hanggang ngayon at wala siyang planong itigil ito agad.
Hanggang Holyweek na sila ditong mag-ina.
* * *
Inoperan ang isang Kapamilya actress ng GMA 7 na lumipat sa kanila.
Tumataginting na P30 million isang taon ang kikitain ng actress sa Kapuso Network. Pero hindi nasilaw ang actress sa offer ng Kapuso Network ayon sa source.
Kuntento na raw ito sa kinikita sa pagiging Kapamilya actress.
Basta sikat na actress ito.
Wala man siyang masyadong assignment sa ABS-CBN, choice naman daw ito ng actress. (SVA)