MANILA, Philippines - Bonggang-bonggang ang upcoming variety/musical program na Party Pilipinas dahil dumating sa bansa ang international choreographer na si Ruben Monet na mas kilala bilang Fusion kahapon para maging bahagi ng pinakabagong Sunday show na ito ng GMA Network!
Kilala si Fusion sa buong mundo bilang top choreographer, dancer at hiphop teacher. Idagdag pa na si Fusion ang founder ng Kung Fu hiphop at tinaguriang Diddy of the Dance World at Grand Master Choreographer.
Kabilang sa mga international artists na tinuruan niya at sinamahang mag-tour at mag-perform ay sina Beyonce, Akon, Pudd Diddy, Missy Elliott, Ludacris, Justin Timberlake, Backstreet Boys, Will Smith, at marami pang iba.