^

PSN Showbiz

Sa galit, aktor na na-late sa taping kinuwelyuhan ni direk

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tsika ng isang kaibigan na sinita at kinu­wel­yuhan ng isang mahusay na director ang actor na kasama sa cast ng soap na dinidirek ng director. Nainis ang director dahil late dumating sa taping ang actor, 6:00 am. pero ang call time niya ay 9:00 a.m., three hours ang nasayang.

Ang ikinagalit ng director, for airing that night ang mga eksena ng actor na kukunan, pero dahil late, ngarag at nagmamadali ang lahat sa taping. Tinapos muna ng director ang mga eksena ng actor saka ito sinita at pinagsabihan.

Hindi siguro nakikinig ang actor at sa inis ni direk, kinuwelyuhan ang actor. Close sa director ang actor at kaya siya nagkaka-project dahil sa director.

Sa nangyari, hindi kami magugulat kung sa mga susunod na soap ng director, hindi muna niya isama ang actor.

Kilala namin ang director at hindi siya ang tipong madaling magalit ‘pag may palpak sa taping, pero dahil kailangang matapos ang eksena’t ie-edit pa at itatakbo sa network, nag-init ang ulo at ‘yun na nga.

* * *

Kagabi ang pa-presscon ng TV5 kay JC de Vera na official nang lumipat sa network at sa TV5 na mapapanood. Tinapos lang ni JC ang kontrata niya sa GMA 7 at lumipat na.

Nasulat ni Jun Lalin na apat na shows ang gagawin ni JC sa TV5, although hindi sabay-sabay ang airing, pero nakakasiguro siya ng apat na shows within the year. Iba’t iba ang tema ng show ni JC na maganda para sa kanya.

Natsika sa aming kasama si JC sa isang musical-variety show na bawal pang isulat ang title, join din siya sa Lokomoko, may teen drama siya at may sariling drama anthology.

* * *

Nahanapan agad ng endorsement ng GMA Artist Center ang Final 5 ng StarStruck V after pumirma sina Steven Silva, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Diva Montelaba at Rocco Nacino ng kontrata last week.

Sa effort ni Shirley Pizarro ng GMAAC, kinuhang endorsers ng PLDT myDSL ang Final V at kasama sa trabaho nila ang campus at mall tours at dumalo sa mga event ng PLDT myDSL at malaking exposure ito.

Si Jenny Donato naman ng GMAAC pa rin ang tumulong para mag-cover sina Steven, Enzo at Rocco sa April issue ng Garage magazine at kahapon ang pictorial ng tatlo. Una nang nag-cover ang Final 14 sa S Magazine.

Regular shows na lang ang kailangan para ma-sustain ang exposure ng batch 5 dahil sa ngayon, sina Nina Ko­da­ka at Sef Cadayona pa lang ang may regular show. Kasama ang Final V sa Party Pilipinas, pero kailangan din nila ng show na magpapakita ng acting talent nila. Sana, habang mainit pa sila, may mga show na rin sila pati ang Avengers.

* * *

Sa presscon na bigay ni Mother Lily Monteverde kay Sen. Bong Revilla at Lani Mercado, in-ack­nowledge ng una ang malaking papel ng inang si Azu­cena Mortel-Bautista kung ano siya ngayon.

Ang ina ang unang nagsabing magiging politician siya at nang maging gobernador, sinabi rin ng ina na mas mataas pa ‘dun ang aabutin niyang katungkulan sa gobyerno na natupad.

Pero “destiny” ang sagot ni Sen. Bong kung mag­si-seek siya ng higher position in the future at inaming malaking bagay ang pagiging number one niya sa survey among the senatoriables sa kanyang magiging desisyon.

Naging emotional ang presscon nang basahin ni Rowena Bautista ang sulat ng amang si Ramon Revilla Sr., nang umiyak si Andeng Bautista, sinun­dan ni Sen. Bong, Lani at pati si Mother Lily. Ang close­ness ng kanilang pamilya ang isang ipag­mamalaki ni Bong.

ACTOR

ANDENG BAUTISTA

ARTIST CENTER

BONG REVILLA

DIRECTOR

DIVA MONTELABA

ENZO PINEDA

FINAL V

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with