Mga host ng Startalk pumirma ng kontrata sa Kapuso

MANILA, Philippines - Pumirma ang mga Startalk hosts na sina Butch Francisco, Joey de Leon, Lolit Solis, at Ricky Lo ng exclusive contract noong Biyernes sa GMA Network Center para ipagpatuloy ang kanilang matibay na samahan bilang showbiz talk show authorities. Nauna nang napabalita na lilipat ng TV5 sina Ricky at Butch. Pero ngayong pinapirma na sila ng bagong kontrata, siguradong wala na silang kawala sa Kapuso Network.

Nasa larawan sa contract-signing affair sina GMA Network chairman, president, at CEO Felipe L. Gozon; executive vice president at COO Gilberto R. Duavit, Jr.; senior vice president for entertainment TV Wilma V. Galvante.

Show comments