Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you.
Anniversary bukas ng pinaka-binabasang diyaryo sa bansa. Hindi lang dahil dito ako nagsusulat at ito ang naglalabas ng pinaka-sariwang balita kundi dahil napaka-wholesome rin ng diyaryong ito.
Sa mga diyaryong binabasa ko sa aking programa sa radyo, pinakamarami ang nagri-react kapag ang balita ay nagmumula na sa Pilipino Star NGAYON (PSN). May sumasang-ayon at may kumokontra, at marami ang nagbibigay ng opinyon.
Sana tumagal pa ang ganitong pamamahala sa PSN.
Let the paper sell sa pamamagitan ng mga balitang dala nito at hindi sa pamamagitan ng mga sensationalized news na puro titulo at walang substantial body.
Tama na rin ’yung paglalagay ng mga seksing katawan sa front page, nagbebenta rin ng diyaryo ang mga magagandang mukha.
* * *
Congratulations kay Manny Pacquiao, pinasaya na naman niya ang kanyang mga kababayan sa pamamagitan nang pagkakapanalo kay Joshua Clottey nung Linggo. Marami lang ang nagalit dahil na-delay ang panonood nila nang mag-brownout. Buti na lang, walang knockout, dahil kung nagkataon, hindi patatawarin ng mga manonood ang Meralco.
First defeat daw ito ni Clottey at sa kamay pa ng isang Pilipino kaya mas hinahangaan at isang mas sikat na personalidad ang ating sasalubungin pag-uwi ni Manny.
Pero bilib ako kay Manny ha? Nagawa pa niyang mag-perform sa isang concert pagkatapos na pagkatapos ng kanyang laban. Parang hindi siya napagod.
Ito ang ikinahahanga natin kay Manny, he is such a lively person. Alam niya ang kiliti ng mga Pinoy, alam niya kung paano sila pasasayahin.
Ngayon, ang kailangan niyang harapin ay ang kanyang kandidatura but with his latest win, sapat na itong kampanya para iboto siya ng mga kapwa niya Bisaya.
* * *
Congratulations sa The Red Shoes na tinatampukan nina Marvin Agustin, Nikki Gil at marami pa, at prodyus ng Unitel Pictures, dahil nabigyan ito ng A rating ng Cinema Evaluation Board.
Bago ang direktor nito na nagngangalang Raul Jordan at ang istorya na hango sa mga sapatos ni dating Unang Ginang Imelda Marcos ay sinulat ni James Ladioray at ginawang isang kakaibang love story.
* * *
I’m sure dudumugin ang Changing Lives concert na magaganap sa Marso 27 sa Mall of Asia Concert Grounds at magtatampok sa tour ng Timbaland Shock Value11, if only for the fact na maggi-guest si Justin Timberlake.
Pag-iipunan sigurado ito ng pera ng maraming kababaihan para lamang makita ang napaka-popular at guwapong manganganta. Kung bakit daw naman kasi guest lang ito, limitado ang mapapanood nila, samantalang puwede naman itong mag-live sa solo concert dito na siguradong kikita ng malaki dahil nga isang malaking personalidad si Justin Timberlake.