GMA Regional newscasts ka-back-to-back na ng 24 Oras

MANILA, Philippines - Serbisyong Totoo goes full swing dahil ang GMA News and Public Affairs’ regional newscasts ay sisikad na, ka-back-to-back ang primetime newscast 24-Oras simula ngayong April 5, 2010.

Gagampanan ng GMA Network ang gawain na tumatak sa isipan ng mga manonood at taga­subaybay — ang maghatid ng pinakasariwang balita, pinakabagong datos, at impormasyon na maka­katulong sa buhay ng bawat mamamayang Filipino.

Maghahatid sila ngayon ng solid news primeblock sa pamamagitan ng Balitang Amianan (Dagupan), Balitang Bisdak (Cebu), Ratsada (Iloilo), at Testigo (Davao) na sasahimpapawid bago ang nangungu­nang newscast — 24 Oras.

Habang patuloy ang paghahanda ng sambayanan sa papalapit na May 2010 elections, patuloy ang pagsulong ng regional newcasts sa pamamagitan ng paglangkap ng makabagong teknolohiya at pag-udyok sa mga manonood at tagasubaybay nito na maging mas dynamic at involved sa pamamagitan ng new media.

Kipkip ang paniniwala sa responsible, balanse, at walang kinikilingang pagkalap ng balita bilang basic tool tungo sa nation-building, ang GMA Regional News and Public Affairs group ay humaharap sa mas mapaghamong panahon.

Ang Balitang Amianan (News from the North) ng GMA TV-10 Dagupan ay pinangungunahan ni Jorge Guerrera at itinatambak ang pinakamainit na balita sa Dagupan at mga karatig-bayan.

Ang Balitang Bisdak naman ng GMA TV 7 ay pinangungunahan ni tri-media personality Bobby ‘Super Bob’ Nalzaro kasama si Atty. Rose Versoza. Inihahatid nito ang national at local issues sa bawat Cebuanos at manonood ng Central Visayas.

Ang Ratsada ng GMA TV 6 Iloilo, na naging bukam-bibig na ng bawat kabahayang Illonggo ay pinangungunahan ni Jonathan Gellangarin.

Show comments