Clottey parang hindi tao ang hitsura

Win si Manny Pacquiao sa laban nila kahapon ni Joshua Clottey kaya nagbubunyi ang ating bayan at ang mga Pilipino sa buong mundo.

Umabot sa 12 rounds ang laban nina Pacquiao at Clottey. Parang hindi tao ang itsura ni Clottey at parang hindi siya nasasaktan sa mga bira ni Manny pero sa umpisa pa lang ng kanilang laban, kitang-kita na si Manny pa rin ang mananalo.

Sa totoo lang, mas maganda ang performance ni Manny kahapon kesa sa laban nila ni Miguel Cotto noong November 2009, ang panahon na kainitan ng mga tsismis tungkol sa kanila ni Krista Ranillo.

* * *

Daig ng maagap ang masipag. Naglabas kaagad kahapon ng statement si Senator Loren Legarda, ilang minuto, pagkatapos ng tagumpay ni Pacquiao sa Arlington, Texas.

Ipinaabot ni Mama Loren kay Manny ang kanyang pagbati at ang panibagong karangalan na ibinigay ni Pacquiao sa Pilipinas. Ito ang sey ni Mama Loren:

“Manny has once again made us proud. More importantly, he has shown us what good old-fashioned hard work and determination can achieve.

“I’m very happy for him. He makes me proud to be Pinoy, and even prouder that he is with us in the campaign. 

 “He has been an inspiration not only to his fellow athletes but to all of us Filipinos. He is living proof that all the disadvantages we are given in life need not be obstacles to success.

“May we all strive to be like him and do the best we can whatever our line of work. Congrats to my kumpare, the champ.”

* * *

Naging masaya ang after-fight-party ni Manny dahil nanalo nga siya sa laban nila ni Clottey.

Ipinadala sa akin ng aking Texas correspondent (correspondent daw o! ) na si Edgar Santiago ang schedule of activities ng after-fight party.

As usual, makaka-join ni Manny sa pagkanta sina Lito Camo at Madonna Decena, ang Pinay na sumali noon sa Britain’s Got Talent.

Take note, si Edgar ang host ng after-fight party at wish ko lang, magpadala siya sa akin ng mga litrato nila ni Manny.

* * *

Tapos na ang obligasyon ni Manny sa boksing kaya ang pangangampanya naman ang kanyang haharapin.

Itutuloy ni Manny ang pagkandidato bilang congressman sa distrito nila sa General Santos City.

Malalaman natin sa May 10 kung pabor ang mga kababayan ni Manny na maging pulitiko siya dahil ito ang pangalawang beses na susubukan niya ang kapalaran sa mundo ng pulitika. Hindi pinalad si Manny na mag-win nang kumandidato siya noong 2007.

Show comments