MANILA, Philippines - Napapanood na ang cool na TV commercial ng PLDT myDSL na nai-launch kamakailan sa Eat Bulaga na makikitang magkakasama sina Rhian Ramos, Alex Perez, Ton Vergel de Dios, at Nancy Castiglione.
Ang all-new Speedster bus ang bida sa Overdrive campaign ng PLDT sa kanilang Speed Circuit Exhibition and Ultra Broadband Blowout (na maaaring makakuha ng laptop at PC packages sa mababang presyo).
Sa loob ng maluwag na bus, may mini-bar at six laptops na magagamit. Ang mobile Internet hub na ito ay matagal nang lumilibot sa buong bansa kasama ang latest technology at mga celebrity endorsers.
Mas pinag-ibayo pa ang broadband experience dahil sa bawat myDSL plan (ang lowest package ay P990), bukod sa unlimited broadband at landline, may Watchpad na itong kasama, ang kauna-unahang entertainment portal sa bansa na nagbibigay ng mga exclusive shows, movies, at marami pang iba sa mga subscribers na libre lang.
May 18 na hot channels (CNN, National Geographic, E!, Entertainment Splash, MyView, atbp.), plus ang mga events na ini-stream ng live, gaya ng Speed Circuit Drifting, URCC championship sa March 27 at ang Manny Pacquiao-Joshua Clottey fight ngayong Linggo, March 14.
At para mas exciting ang summer, naghahanap ng limang kabataan para maging Watchpad crew. Ang mga mapipili ay makakasa-kasama nina Rhian, Isabel Oli, Victor Aliwalas, at ng drift champ na si Alex. Siyempre bawat winner ay may bagong laptop, libreng myDSL subscription, at P100,000 cash. Simple lang ang X factor na hinahanap sa mga sasali: Dapat cool at magaling!