MANILA, Philippines - In love na in love ang hitsura nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Maligaya ang hitsura nila sa isa’t isa.
At pareho silang nag-iisip na sila na nga ang magkakatuluyan two years from now.
Sa ginanap kamakailan na pictorial at promo shoot ng PHR presents Quikilig Lumang Piso
para sa Puso napasabak agad sa intriga sila Tin at Oyo kaugnay ng kumakalat na chismis na plano na nilang magpakasal. Sinagot naman agad ito ni Oyo, “If ever na dumating ‘yung time na ikakasal kami, everyone will know. Pero kung anuman yung meron kami ngayon, I just want it to be private. Pero hindi totoo yun na nagpakasal na kami ni Tin sa Amerika.”
Maituturing na isang reunion project nina Kristine at Oyo ang ika-apat na installment ng Quikilig series. Matatandaang huling nagkasama ang dalawa sa pang-hapong telenovela noong 2008 na Prinsesa ng Banyera.