^

PSN Showbiz

Claudine panay ang patapyas ng boobs!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi na Drama Queen, kundi Claudine na ang title ng drama anthology ni Claudine Barretto sa GMA 7 na magpa-pilot sa March 28. Sa first taping day ng aktres sa episode na Alzheimers, si Laurice Guillen ang kanyang director na ikinatuwa nito dahil first time siyang maidirehe nito.

Isa sa ikinagusto ni Claudine sa kanyang drama anthology ay ang chance na makatrabaho ang mga film directors na ‘di pa niya nakakatrabaho at binanggit nito sina directors Joel Lamangan, Joyce Bernal, Mac Alejandre at Maryo J. delos Reyes. Tatakbo ng 26 weeks ang Claudine at malaki ang tsansa na maidirek si Claudine ng mga nabanggit niyang directors.

Matagal na nabakante sa acting si Claudine, nanibago siya ng konti, pero nagpasaya sa kanya ang pagpayag ng mister niyang si Raymart Santiago na makapareha sa nasabing episode. Ang galing daw ni Raymart at siya ang mas na-conscious sa mga eksena nilang dalawa.

Naaliw kami sa deretsong sagot ni Claudine sa rason nang kanyang pagpayat at dahil ‘yun sa second bust reduction na ginawa sa kanya.

 “Sobrang nalalakihan ako sa boobs ko at masakit sa likod, kaya last January 23 yata ‘yun, nagpa-bust reduction uli ako,” sabi nito.

Hoping si Claudine to work with Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Iza Calzado, Glaiza de Castro, Marian Rivera at former ABS-CBN talents na sina Heart Evangelista, Marvin Agustin, Patrick Garcia at Paolo Contis sa kanyang drama anthology.

* * *

Minsan nang na-blind item ang sexy star na ito na kahit maganda’y maraming natu-turn off dahil sa mga salitang ginagamit na ‘di bagay sa kanya. Favorite raw nito ang salitang “gaga” at ang kanyang P.A. ang madalas tawaging “tanga” sa konting pagkakamali.

Mukhang may katotohanan ang blind item dahil sa isang post ng sexy actress sa Twitter, “gago” naman ang ginamit para idepensa ang sarili sa mga nag-aakusang ginagamit niya ang sitwasyon ng kanyang pamilya for her career.

In fairness, siya pa lang sa mga pina-follow namin sa Twitter ang nabasahan naming gumamit ng “gago” sa kanyang post, hindi nga maganda kahit sarili ang pinatutungkulan. (Si Francine Prieto ba ito ateng? – SVA)

* * *

Sa pagpapatuloy ng My Stalking Heart episode ng Dear Friend, mag­papanggap na mag-asawa sina Doris (Jennica Garcia) at Julio (Carl Guevarra) at titira sa iisang bahay para matyagan sina Eric (Marvin Kiefer) at Nina (Jef Gaitan).

* * *

May international movie na kukunan dito at produce ng half-Pinoy na si Dean Devlin na producer din ng Godzilla at Independence Day. May casting call for Filipino actors na gustong mapasama sa project na isang period film.

Ang hinahanap ay female 25-50 years old, male 35-60 y/o, teenage males 12-16 y/o, girls 5-10 y/o. Sa March 16, 17, & 18 from 3pm-8pm., ang audition sa Main cast office, 2/FPCDP Blgd., 2332 Pasong Tamo Extension. Casting by appointment, please call Magoo (09178253245) or Millette (09189058888).

CARL GUEVARRA

CLAUDINE

DEAN DEVLIN

DEAR FRIEND

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

HEART EVANGELISTA

INDEPENDENCE DAY

IZA CALZADO

JEF GAITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with