^

PSN Showbiz

Premyadong aktres trip na pinaghukay ng lupa ang mga katulong

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sa isang birthday dinner kamakailan ng isang kaibigang writer ay naroon ang ilang malalapit na kaibigan ng sikat na aktres na nagbabalik sa showbiz ngayon kung saan sinabing sana nga ay nagbago na siya.

Say ng isang alahera ng mga artista na malapit sa aktres : “Naku ibang klase ang drama niya nun kapag may napagtripang bagay. Biruin mo gabing-gabi na, ’yung mga katulong pinababa at pinaghuhukay sa paligid ng bahay. Ano kaya ang pinahahanap sa mga ito? Akala siguro may nakabaon na pera. Nakakaloka talaga,” kuwento nito.

Kayo na ang humula kung bakit ganito ang pinagawa ng aktres sa mga katulong.

“Kaya sana nga tuluy-tuloy na ang pagbabago ng premyadong aktres,” wish ng alahera na kilala rin sa showbiz.

* * *

Nagpunta kami sa album launching ni JayR na binansagang Platinum Prince of Soul ng Universal Records. Nagparinig ito ng ilang OPM love classics gaya ng Himala, Ikaw Lamang, at Sana ay Ikaw na Nga at talagang super galing ng kanyang rendition ng mga awiting nabanggit.

Tinanong siya sa open forum kung alin sa mga love songs ang nais niyang ihandog kay Krissa Mae na nobya nito at kinoronahang Binibining Pilipinas-International.

“Mahirap pero magandang tanong ’yan. Siguro pipiliin ko ang Sana ay Ikaw na Nga dahil mahal na mahal ko siya at kami na sana ang magkatuluyan balang araw,” sabi ni JayR.

Inaasahan na pala niyang mananalo ang girlfriend sa Binibining Pilipinas. After the coronation, kumain lang sila sa Aristocrat with friends dahil pagod na si Krissa Mae.

* * *

Sa presscon na ipinatawag ni Dr. Victoria Belo para kay Phoemela Barranda na endorser nito sa breast augmentation ay naliwanagan ang lahat kung bakit may side effects ang ibang nagpapa-retoke ng boobs through injection lang ng silicone.

Ayon sa doktora, cheapy-cheapy ang ganitong pamamaraan.

Naalaala ko kasi ang friend kong sexy actress na nagpa-retoke through silicone injection at ilang buwan lang ay may nakapa siyang gamunggong mga bagay na gumagalaw sa kanyang boobs. Pinatanggal niya ito agad at na-trauma na sa pagpapadagdag ng dibdib.

Sabi ni Dr. Vicki, may inilalagay silang permanenteng imported na silicone through surgery (implant) at nagtatagal ito sa kanilang pasyente na walang side effects. At sinigurado na safe ang breast augmentation procedure ng clinic nila.

vuukle comment

BINIBINING PILIPINAS

BINIBINING PILIPINAS-INTERNATIONAL

DR. VICKI

IKAW

IKAW LAMANG

KRISSA MAE

PHOEMELA BARRANDA

PLATINUM PRINCE OF SOUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with