At least, kinumpirma na ni Ryan Agoncillo na buntis ang asawa niyang si Judy Ann Santos. Eight weeks preggy si Mrs. Agoncillo.
Marami nang may alam tungkol sa nasabing pagbubuntis ng actress. Pero ayaw nilang i-confirm dahil kaninang umaga lang daw lumabas ang final ultra sound ng actress.
Kahapon sa Eat Bulaga, nagkuwento na si Ryan dala ang resulta ng ultrasound habang kausap si Juday sa telepono.
“Na-bullseye po! Gumagana si Manoy!” sabi ni Ryan na kitang-kita ang sobra-sobrang kaligayahan sa pagbubuntis ng kanyang misis.
Sabay nabalita na buntis sina Judy Ann at Regine Velasquez, pero agad nag-deny si Regine sa Startalk. Hindi raw siya buntis at wini-wish niya ito.
* * *
Sina Santino at Agua Bendita ang makakasama ni Piolo Pascual sa susunod niyang teleserye sa ABS-CBN. Mismong si Mr. Deo Endrinal ang nagkuwento tungkol sa bagong project ni Piolo na sisimulan na any moment.
Lovers in Paris pa ang last teleserye ng actor kaya marami nang naiinip sa susunod niyang teleserye.
Samantala, two weeks pa bago umahon si Agua Bendita at tuluyang lumabas si Andi Eigenman ayon pa kay Mr. Deo nakatsikahan namin sa Taste of LA na nagkataon lang na nagbi-brainstorming sila ng kanyang grupo.
* * *
Si Rhian Ramos ang gustong maka-partner ni Mark Bautista sa GMA 7 ngayong isa na siyang certified Kapuso.
Bukod kasi sa Party Pilipinas, magiging regular na rin siya sa teleserye ng GMA 7 kaya may posibilidad na magkasama sila sa isang programa.
Ayon kay Ms. Veronique del Rosario ng Viva Artist Management, tatlong shows agad ang gagawin ni Mark sa Kapuso Channel.
* * *
Sa kabila ng issue na hiwalay na sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban dahil sa issue ng verbal abuse, tuloy ang bakasyon nila sa South Africa.
“Looking up for a hotel in South Africa :) Sino dito nakatira sa South Africa? hehehe. wala kaming makuhang match tickets for the world cup in cape town,” tweet ni Angelica kahapon.