Mama Salve, sariwang-sariwa ang balita ko tungkol sa mga nangyayari kay Manny Pacquiao dahil sa e-mail na ipinadala sa akin ni Edgar Santiago na dating kasamahan sa trabaho ng aking kapatid na si Mando?
Walang dapat ipag-alala si Edgar dahil natatandaan ko siya, kahit senior citizen na ako. Gusto kong pasalamatan si Edgar sa mga update niya tungkol kay Manny na handang-handa na sa laban nila ni Joshua Clottey sa darating na Linggo.
Read n’yo ang kuwento ni Edgar:
“Here’s the latest on Manny Pacquiao and company. Believe it or believe it, just do, Manny Pacquiao command a respectable charisma from every sports enthusiasts here in Texas.
No less than the Owner-President of Dallas Cowboys Jerry Jones (who also owns the biggest sports stadium in America, the Cowboys Stadium with 80,000 plus seating capacity) allotted special and privilege tickets-seats for Filipino Americans so they can cheer for Manny.
He also co-hosts the After-Party-Fight which will be held right after the fight, regardless of results. But most sports fanatics here are betting a Manny win at 8:1.
The Manny Team arrived Monday and on Tuesday a.m, Manny was mobbed by fans, Filipinos and Americans, who wanted to have a glimpse of this Philippine Boxing Icon. The paparazzi of the world sporting event were all there flashing their cameras and focusing on all the angles they could capture of Manny’s profile, from and all sides in view. “Manny Mania In America.”
The Manny Team is made of up very well put together folks from the Philippines.
Mababait and very accommodating. Jinkee included, she is so sweet and very amiable. Everyone who saw Manny and his team were all praises sa kabaitan niya at ng kanyang mga kasama.
Today, Tuesday, I was invited to join the dinner salu-salo for Jinkee and company and I am thrilled to meet her and say hello.
Hopefully, I can share with you the happenings before and after the fight.
* * *
Magkasunod ang contract signing kahapon sa GMA 7 ng mga alaga ni Annabelle Rama at ng labing-apat na miyembro ng Starstruck V.
Pumirma ng kontrata sina Raymond Gutierrez, Ynna Asistio, Bubbles Paraiso, Ehra Madrigal, at TJ Trinidad sa 16th floor ng GMA Network building. Sa 17th floor naman ang venue ng contract signing ng Starstruck V stars.
Parehong pinuntahan nina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit ang mga contract signing. Nagbiro nga si Papa Jimmy na nangawit na ang kanyang kamay dahil sa rami ng mga kontrata na pinirmahan.
Ikinuwento ni Papa Henry na bago pa man naging agresibo ang management ng TV5, nagdesisyon na siya na i-renew ang kontrata ng mga artista ng Kapuso network. Sa mga hindi nakakaalam, Henry ang palayaw ni Atty. Gozon.
Three years ang exclusive contract na pinirmahan ng mga alaga ni Bisaya. Hindi nakarating sa contract signing si Michelle Madrigal dahil may taping ito at out-of-town naman si Richard na nauna nang pumirma ng exclusive contract sa GMA 7.
All smiles si Bisaya habang pumipirma ng kontrata ang kanyang mga alaga dahil sigurado nang may trabaho sa loob ng tatlong taon ang mga talent niya.