Aktor kasama sa boracay ang 'secret' gf

Simula ng third season ng Talentadong Pinoy ng TV5 sa Sabado at mapapanood na rin ang talent show every Sunday. Tinapatan na nito ang Pinoy Got Talent ng ABS-CBN, kaya matira ang matibay na lang sa dalawang shows.

Two sets na ang talent scout ng Talentadong Pinoy at P100,000 ang weekend cash prize. Sa comment na mas malaki pa rin ang audience share ng kalaban, sabi ni Ryan Agoncillo, humble sila at ’di nakikipag-yabangan. Nag-react din ito sa sinasabi na hindi original ang show niya.

“Nobody is original, but in this generation, kami ang trail brazer and that is a fact. Happy na rin kami na tumagal ang show at naabot namin ang second digit ng ratings,” sagot ng host.

Threatened ba sila sa Pinoy Got Talent?

“No! Pero ’di kami magiging kampante. The show has its own following at ’di namin sila dadayain. May three-letter word din kaming panlaban—MVP —o Manny V. Pangilinan who hates to lose and likes to win,” sagot ni Ryan.

Pumirma ng non-exclusive contract si Ryan sa TV5 at may clause sa kontrata na puwede siyang lumabas sa Eat…Bulaga at TV project with Judy Ann Santos. Madadagdagan din ang show ni Ryan sa TV5 dahil bibigyan siya ng sitcom, may drama special at pinangakuang ’pag nabili ang rights ng X Factor ni Simon Cowell, siya ang kukuning host.

* * *

Naispatan sa Boracay ang sikat at guwapong aktor kasama ang nobyang aktres na ini-enjoy ang magandang beach, sunrise, at sunset. Hindi naka­lig­­tas ang presence nila sa mga nag-check in din sa Shangri-La Boracay dahil sikat ang aktor at in fairness, kilala na rin ang aktres.

 Nakumpirma ng mga nakakita sa dalawa ang matagal na nilang relasyon at aprub sa kanila ang showbiz couple. Ang ipinagtataka nila ay kung bakit hindi pa nila aminin in public ang relasyon para nakakarampa sila ng bonggang-bongga.

Nag-i-effort ang showbiz couple na itago ang kanilang relasyon dahil ibang girls ang gusto ng mga fans ng aktor sa kanya. Kaya lang, it must really be love dahil kahit napapaligiran ng magaganda, Inglesera, at sosyalerang babae, ang aktres pa rin ang pinili ng aktor. Favorite ng showbiz couple na mag-travel together ’pag walang trabaho ang aktor.

* * *

Sa mga nagtatanong kung kasama si Dennis Trillo sa Party Pilipinas, hindi rin namin alam, pero wala ang name niya sa mga binanggit sa amin na bubuo sa show. Ang Gumapang Ka sa Lusak at Bubble Gang na lang ang show ng aktor, but for sure, bibigyan siya ng ibang show.

Samantala sa Gumapang Ka sa Lusak, nakaligtas si Levi (Dennis) sa gustong pumatay sa kanya, pero mao-ospital dahil pinahirapan. Alam ni Rachel (Jennylyn Mercado) na si Mayor Guatlo (Al Tantay) ang may pakana ng lahat. 

Show comments