Gab and Gary V. 'di naawat sa paglipat

MANILA, Philippines - Unang quarter pa lang ng taon kaya bagong pasabog at pagbabago ang suma­salubong. Isa na rito ang tuloy na tuloy at hindi paa­awat na pagli­pat ng sikat na mag-amang total performers na sina Gab at Gary Valenciano sa refreshingly delicious Real Leaf Green Tea.

Nagsimula ang mga bulung-bulungan sa nasa­bing pag-switch ng dalawa sa pinakabagong dagdag sa mga refreshing beverages mula sa global leader, The Coca-Cola Company nang sila ay luma­bas sa bago nitong commercial at naging brand ambas­sa­dors nito. 

“Masaya kami sa ginawa naming paglipat sa Real Leaf Green Tea. Dahil gawa ang produktong ito sa natural whole green tea leaves na maya­man sa Thea­nine, nakakatulong ito para mas ma­­­daling mag-con­­­centrate at ikondisyon ang ka­ta­wan,” sabi ni Gary nang tanungin kung bakit sila lumipat.

Ang Theanine ay isang uri ng amino acid na likas na matatagpuan sa tea plant, na nagpa­pasigla ng alpha brain wave activity at tumutulong para maging focused at alert.

Show comments