^

PSN Showbiz

Hayden Kho may mga itinago pang kasalanan kay Dra. Belo; Boobs ni Phoemela patok sa Edsa

-

MANILA, Philippines - Nakakainggit si Phoemela Barranda. From 32 A, 34 C na ang sukat ng boobs niya.

Yup, you read it right. Kung dati halos flat ang dibdib, aba ngayon, bongga na.

Thanks to Dra. Vicki Belo na pinagkatiwalaan niya.

“Noon talaga, maliit lang siya so parang nahihiya akong i-flaunt. Pero now, mas confident na ako, lalo na at malapit na ang summer,” sabi ni Phoemela kahapon.

“More proportion na ngayon at puwede na akong gumawa ng sexy films,” dagdag niya na may bagong boyfriend na pala pagkatapos ng limang taong relasyon sa member ng bandang Bamboo na si Ira Cruz.

Naka-up na sa EDSA ang billboard niya for Belo Medical Group at tuwang-tuwa siya na ang daming nagko-congratulate sa kanya.

Anyway, December pa lang daw ay split na sila ni Ira kaya hindi na siya nagulat nang nabalitaan niyang sina Ira at Mylene Dizon na uli.

“Actually, that’s long overdue break up,” sabi ni Phoemela na ang daming lumabas na kung anu-anong balita tungkol sa kanilang relasyon. Na kesyo madalas siyang magwala sa tinitirhang condo ng kanyang ex BF dahil parati silang nag-aaway. May issue pa noon na umano’y nagtatakbo siya na nakahubad sa ulanan dahil ayaw siyang papasukin ng unit ni Ira.

Ilan lang yan dahil marami pang kuwento noon.

At kahit hiwalay na sila, gusto niyang magkausap sila ng ex-dyowa : “ It’s not about closure but moving up to the next level,” as in maging magkaibigan daw sana sila ng ex BF na hindi nangyari nang maghiwalay sila.

May karelasyon na ngayon si Phoemela, si Chico Cristobal, isang interior designer pero mahilig din sa music.

Two months na raw sila at madalas na niyang isama sa mga sosyalan.

Hindi man sila nag-uusap ni Ira, may communication ang TV host sa pamilya nito.

At ang wish niya kina Ira and Mylene : “If they are happy, I’m happy for them.”

At bukod sa boobs, ipinagkakatiwala rin ni Phoem ang kanyang mukha at katawan sa Belo. “I’m easily convinced when Dr. Vicki tells me something that will enhance my personality. In this business, you have to look good when you’re not in front of the cameras,” sabi ng Star News anchor ng TV Patrol at The Buzz.

Two years ago nang mag-underwent siya ng non-surgical facial reshaping when she did botox for the masseter or jaw muscle to correct her TMJ (temporo-mandibular joint).

At ang pinaka-latest nga ay ang breast enhancement, a surgical procedure para nga makatulong sa self esteem ng maraming kababaihan. Naniniwala si Phoemela na ang boobs, na simbolo ng femininity and motherhood, play an important part in building self-confidence among women.

* * *

Kung makulay ang lovelife ng endorser, makulay din ang lovelife ni Dra. Belo.

Itinanggi ni Dra. Belo na magiging witness siya sa kaso ni Dr. Hayden Kho laban kay Katrina Halili tulad nang napabalita. Paano raw mangyayari yun eh hindi naman niya alam ang tungkol sa dalawa.

Wala rin daw munang balikan. “Concentrate muna ako sa sarili ko. At siya sa sarili niya,” sabi ni Dra. Belo adding na hilaw pa para magkabalikan sila ng doctor niyang boyfriend.

Totoo rin na nababasa niya ang mga sinusulat nito na parang journal. “Yung iba talagang hindi ko alam na nangyari na hindi n’yo na rin dapat malaman,” Dra. Belo added sabay turo sa mga kaharap na TV crews.

“Everything is clear, sinabi na niya lahat,” dugtong ng doktora.

BELO

BELO MEDICAL GROUP

CHICO CRISTOBAL

DR. VICKI

DRA

NIYA

PHOEMELA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with