Maricel Soriano susuporta sa Hair Asia event

MANILA, Philippines - Tiyak na star-studded ang Hair Asia’s 20th Na­tional Open Championship for Hairstyling and Makeup Competition sa World Trade Center, Roxas Blvd., Pa­say City ngayon (March 9), mula ika-9 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi, kung saan ay nakatakdang magpakitang gilas ang libu-libong hair and makeup artists.

Ang magiging grand champion ay mananalo ng isang all-expense paid trip to Paris, France upang dumalo sa prestihiyosong Hair Olympics sa Nob­yembre.

Magkakaroon din ng free makeup seminar si Ja­mes Cooper na maglulunsad ng bagong makeup line, ang Jazzy Collection. Suportado si James ng mga kaibigang artista sa pangunguna ni Maricel Soriano.

Para sa iba pang information, pumasyal o tuma­wag sa Hair Asia Office: 35 Judge Jimenez St. Kamuning, Quezon City na may telepono bilang (02) 926-9480, 415-2742, or 0918-3727575. E-mail: hairasia@hotmail.com, o I-view ang www.hairasia.com.ph.

Show comments