Maricel Soriano susuporta sa Hair Asia event
MANILA, Philippines - Tiyak na star-studded ang Hair Asia’s 20th National Open Championship for Hairstyling and Makeup Competition sa World Trade Center, Roxas Blvd., Pasay City ngayon (March 9), mula ika-9 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi, kung saan ay nakatakdang magpakitang gilas ang libu-libong hair and makeup artists.
Ang magiging grand champion ay mananalo ng isang all-expense paid trip to Paris, France upang dumalo sa prestihiyosong Hair Olympics sa Nobyembre.
Magkakaroon din ng free makeup seminar si James Cooper na maglulunsad ng bagong makeup line, ang Jazzy Collection. Suportado si James ng mga kaibigang artista sa pangunguna ni Maricel Soriano.
Para sa iba pang information, pumasyal o tumawag sa Hair Asia Office: 35 Judge Jimenez St. Kamuning, Quezon City na may telepono bilang (02) 926-9480, 415-2742, or 0918-3727575. E-mail: [email protected], o I-view ang www.hairasia.com.ph.
- Latest