Tumatakbong bise presidente isa-isang ipakikilala

MANILA, Philippines - Matapos ang mata­gumpay na presidential in­terview, ihahatid na­man ngayon ng flagship AM radio station ng GMA Net­work na DZBB ang Ikaw Na Ba?...The Vice Pre­sidential Inter­view simula Miyerkules, Marso 10.

Mapapakinggan ang espesyal na prog­rama hanggang Marso 19 ng 8-9 a.m. sa Super Rad­yo DZBB 594Khz, 97.1 Baran­gay LS-FM, at sa lahat ng RGMA AM at FM stations nationwide.     

Ang natatanging ra­dio program, na ba­hagi ng kompre­hen­sibong election cove­rage ng GMA Network na pina­magatang, Elek­syon 2010, ay magtatampok ng mga one-on-one interviews sa mga vice presidential candidate na isasagawa ng multi-awarded broadcast journalist na si Mike Enriquez.

Bitbit ang line up ng mga in-your-face ques­tion, nilalayong tulungan ng broad­caster ang publiko na kilatisin ang mga kandidato para sa pangalawang pina­ka­mataas na posisyon sa gobyerno.

Bibigyan ng panibagong venue ng Ikaw Na Ba?...The Vice Presidential Interview ang mga botante para makilala kung sino sa mga kandidato ang ma­aaring maging kapareha ng susunod na pangulo.

Sisimulan ang serye ng interview kasama si Nacionalista Party bet Sen. Loren Le­garda. Si Bangon Pilipinas candidate Per­fecto Yasay ang makakapanayam sa Hu­webes, Marso 11, at si Makati Mayor Jejomar Binay ang mapapakinggan sa Biyernes, Marso 12.

Si Jay Sonza ng Kilusan ng Bagong Lipunan ang panauhin sa Lunes, Marso 15; samantalang si dating MMDA Chair Bayani Fernando ang sasalang sa Mar­tes, Marso 16. Ang kandidato ng Kapatiran na si Atty. Dominador Chipeco naman ang maririnig sa Miyerkules, Marso 17; sa­mantalang ang pam­bato ng administrasyon na si Eduardo Man­zano ang kiki­lati­sin sa Huwebes, Mar­so 18. Si Liberal Party vice presidential bet Sen. Mar Roxas ang makakapa­na­yam sa Biyer­nes, Mar­so 19.

Ang Ikaw Na Ba?...The Vice Presidential In­terview ay mapapakinggan din sa Internet sa pa­ma­magitan ng DZBB livestream sa GMA­News.tv. Ang podcast ver­sion ng mga panayam ay maaari ring i-download mula sa site. Ang Commission on Elections (CO­ME­LEC) ay major partner ng GMA radio sa proyektong ito.

Show comments