LOS ANGELES –Ang Iraq War drama na The Hurt Locker ay nanalong best picture at lima pang tropeo sa ginanap na 82nd Academy Awards noong Linggo, kabilang na ang best director para kay Kathryn Bigelow.
Si Bigelow ang unang babae sa kasaysayan ng respetadong Oscars na nakakuha ng pinakamataas na parangal para sa mga Hollywood filmmakers.
“There’s no other way to describe it. It’s the moment of a lifetime,” sabi ng 58-year-old director.
“It’s so extraordinary to be in the company of my fellow nominees, such powerful filmmakers, who have inspired me and I have admired, some of them for decades.”
Isa sa mga tinalo ni Bigelow ay ang ex-husband na si James Cameron na direktor ng sci-fi na pelikulang Avatar. Nagsama sila bilang mag-asawa noong 1989-91.
First-time winners din ang mga nakakuha ng mga top prizes: Sandra Bullock (best actress, The Blind Side), Jeff Bridges (best actor, Crazy Heart), Mo’Nique (supporting actress, Precious), at Christoph Waltz (supporting actor, Inglourious Basterds).
Kung masaya si Bigelow, ganoon din si Bridges dahil apat na beses na siyang nominado sa loob ng 38 years na showbiz career pero ngayon lang napansin ng Oscars. Ginampanan niya ang iresponsableng country singer sa Crazy Heart. Nagpasalamat ang aktor sa mga yumaong magulang na sina Lloyd Bridges, isang aktor din, at Dorothy Bridges na isang makata.
“I feel an extension of them. This is honoring them as much as it is me,” sabi ni Bridges.
Isa pang nasa alapaap ay ang best actress awardee na tinawag na darling ng industriya na hindi pa nanominado kahit kailan. Nakuha ni Bullock ang parangal nang gampanan niya ang isang mayaman na nag-ampon ng homeless na teenager na naging NFL star, si Michael Oher, para sa The Blind Side.
Ang The Secret in Their Eyes ng Argentina ang naging sorpresa sa foreign-language film category na tinalo ang The White Ribbon ng Germany at ang A Prophet ng France.
Ang The Cove naman ang napiling best documentary na mula sa Japan.
Sina Steve Martin at Alec Baldwin ang naging first dual Oscar hosts pagkaraan ng 23 years. (AP)