Bukod sa fat cheque mula sa life insurance ng kanyang yumaong asawa, T-shirt company na itinatag ni Francis Magalona ang bumubuhay sa mag-ina nito.
Inamin ni Pia, Francis M.’s widow, sa Startalk na magsisilbi sanang alternative yet permanent career ng Master Rapper ang apparel business. Ito’y dahil na rin sa kagustuhan ni Francis na bawasan na, kundi man bumitaw, sa on-camera work.
Hindi naman itinanggi ni Pia that she spends whatever is bequeated to her on things only necessary. Noong nabubuhay pa si Francis, whatever expensive item that Pia wanted to buy for herself ay walang kaso sa kanyang mister. Katuwiran ni Francis M., pera lang daw iyon, kikitain pa nila.
A little over a year since the Master Rapper’s passing, kalabisang sabihing back to normal na ang buhay ng kanyang mga naulila. Or did Francis ‘‘go’’ as far as they’re concerned?
* * *
Halatang ‘hunk factor’ lang ang hinabol ng production staff ng Binibining Pilipinas mairaos lang ang boring sanang number ng mga reigning beauty queens nito with Jace Flores, Victor Aliwalas, and Daniel Matsunaga.
No doubt, all three guys are today’s hottest hunks, but they’re better seen and appreciated on the ramp, hindi sa larangan ng pagsasayaw na pinilit ipinagawa sa kanila.
Masyadong hype (and hyperbole) pa naman ang ginawa ukol sa kanilang guest appearance only to disappoint the audience.
* * *
Kung nagpi-prima donna man ang isang established nang komedyana, blame it on her box-office strength that gives her the license to become and act like one.
Pero nananawagan ito, to the press in particular, na tantanan na siya sa intriga.
Kung sabagay, she has been a recipient of every ounce of bad publicity ranging from gender to quirky work attitude.
Ang hindi niya alam, hindi ang press ang dapat niyang pagdiskitahan, kundi ang staff na nakakatrabaho niya sa kanyang bawat proyekto sa TV.
Walang kiyeme ang tsikang ito.
* * *
As many as observations ang naitala ko ring realizations sa katatapos lang na Binibining Pilipinas. For purposes of brevity, gagamitin ko ang letrang O for observation and R for realization.
O: Ginawang konsorte ng mga nahirang na special at major awardees ang mga Mr. World winners, pero hindi binanggit ang kanilang mga pangalan.
R: Next time, huwag pakatitiyak ang kandidata na kahit marami siyang natanggap na special awards, she’s assured of a major title.
O: Halatang defocused si Claudine Barretto who stood as one of the judges. She was groping for the question na siya nga ba mismo ang may gawa?
R. Like Janina San Miguel who became a laughing stock pero wagi ng major title, ang tinanghal na Bb. Pilipinas-World, Tagalog na nga ang sagot ay hindi pa impressive.
O&R: The coronation night almost made me fall asleep.