Ruffa napuno sa pambabara ni Kris, Annabelle Rama rumesbak

MANILA, Philippines - Ang bilis ng mga pangyayari kahapon. Nanonood pa lang ako ng The Buzz - andun si Boy Abunda, Kris Aquino and Ruffa Gutierrez.

Aba biglang naiba ang eksena. Mukhang na-realize ni Ruffa ang madalas na pambabara sa kanya ni Kris sa tuwing magsasalita siya.

Umalis si Ruffa. Umiiyak dahil tinawagan na raw ito ng nanay niyang si Annabelle Rama na umalis na sa The Buzz.

Hindi na uli siya napanood sa The Buzz. Hindi na niya nagawang tapusin ang programa at balitang dumiretso ito sa isang restaurant.

Maya-maya, may announcement na sa Showbiz Central, magpapa-interview daw si Tita Annabelle Rama sa nangyari. So wait wait kami.

Shocking ang mga sinabi ni tita Annabelle. “Ang reason kaya ko pinull out si Ruffa sa The Buzz dahil linggu-linggo na lang siya binabara sa The Buzz ni Kris.

“Hindi pa nananalo si Noynoy Aquino ganyan na siya. Lalo na pag nanalo si Noynoy.

“Matagal ko nang sinasabi kay Ruffa : Ba’t ganun lagi ka na lang binabara ni Kris.

“Bakit lagi siyang nambabara, naiinggit ba siya kay Ruffa?

“Lagi kong inaaway si Ruffa, adik siya sa trabaho, gusto niyang magtrabaho,” kuwento ni Tita Annabelle sa phone patch interview sa kanya ni Pia Guanio kahapon pagkatapos na umalis ng The Buzz si Ruffa.

“Hindi pa nanalo ang kapatid niya, ang yabang na niya.

“Dapat makisama siya kay Ruffa dahil pumayag akong ikampanya ni Ruffa si Noynoy ng libre kahit nawalan ako ng komisyon,” pagpapatuloy ni Tita Annabelle.

Maraming naghintay sa sagot ni Kris bago matapos ang The Buzz, pero sa kanyang Twitter account siya sumagot : “I invite everybody to review Buzz - my comment was said w/ affection & a sense of fun. Now if they will choose to lambast my brother...who wasn’t even on the Buzz, makes me wonder what the true agenda is- para siraan si Noy?

“I’d like to believe Filipino voters r intelligent & will continue supporting Noy because he is the best man for the job.”

Maya-maya, ang ABS-CBN na ang nag-react. May pahabol daw silang statement : “Sa tatlong taon na pagsasama nina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez sa The Buzz, nakita namin ang pagiging magka­ibigan nila. Walang intensiyon si Kris na saktan si Ruffa sa programa. Pero kung hindi man nagustuhan ni Ruffa ang nangyari, walang dudang maaayos nila ang anumang isyu sa pagitan nila sa isang mahusay na pag-uusap,” sabi sa text message ni Mr. Bong Osorio, head ng ABS-CBN Corporate Communication.

Gusto agad ma-interview si Ruffa ng reporter ng 24 Oras na naghihintay sa kanya sa restaurant pero agad umuwi si Ruffa base sa kanyang tweets:   

“Finally smiling while watching Goin’ Bulilit with the kiddies. Thank u for all the love twitterworld! Mahal na mahal ko kayong lahat!

“Just got home...my babies gave me the biggest hug when I walked in. This is what truly matters. Family n loved ones :)”

Well, hindi man aminin ni Kris, pero madalas naman talaga niyang barahin si Ruffa.

Hindi siguro inggit, pero ayaw niyang iba ang pinupuri.

Hindi lang naman si Ruffa ang nakakatikim ng mga banat ng pambabara at panonopla ni Krissy, madalas din ang kaibigan niyang si Boy Abunda. Likas lang ang kabaitan ni BA at naiintindihan niya ang kaibigan. Pero sa kaso ni Ruffa, malamang napuno na ito.

Pero may pahabol pa uli si Ruffa sa Twitter account niya kagabi : “Sana man lang I was given the chance to say goodbye properly to my colleagues on the Buzz who I’ve grown to love like family over the last 3 yrs. Kung may ayaw sa akin sa the Buzz, may mga may gusto din po sa akin. Sana nabigyan po ako ng chance para magpaalam sa mga nagmamahal din po sa akin. Kahit dalawang piraso pa sila, karapatan ko rin namang magpaalam ng maayos. I’m just trying to do my job.

“This is not the first time. I’m also very diplomatic n can laugh about anything. Off-cam, the situation was far from pleasant. Yes, registered Voters like me will certainly vote wisely. No need to make sira...I AM TEAM NOYNOY! But between now n the May elections many things can Can still happen. Its what name I will write that will clearly matter in the end. I would like to enjoy my time w/ loved ones now. Salamat po.”

* * *

Nanganak na finally si Lian Paz sa unang baby nila ni Paolo Contis.

Last week ay hindi na nakasipot si Paolo sa presscon ng Wipe Out kung saan silang dalawa ng stage actor and composer Vince de Jesus ang magiging host.

Last minute ay nagpasabi si Paolo na hindi niya kayang iwan ang nagli-labor na si Lian. Pinapa-cancel sana ni Paolo ang nasabing presscon pero wala nang oras.

Tuloy nag-iisang nag-presscon ang stage actor na si Vince na nakilala sa Camera Café.

Anyway, mas exciting sa Takeshi’s Castle ang Wipe Out. Mas bago ang version nito at mas sisi­gaw ka pag napanood mo.

Maghandang gumulong, tumal­bog, mabangga dahil ang pinaka­ma­laking obstacle course sa buong mundo ay nasa nasabing prog­rama, na magsi­simulang mapa­nood sa Lunes, March 15.

Host lang sina Paolo at Vince dahil ang original version nito ang mapapanood na may 24 kala­hok na maglalaban-laban sa apat na rounds hanggang isa na lang sa kanila ang hindi ma-wipe out.

Ang tatanghaling Wipeout Champion ay maligayang mag-uuwi ng $50,000.

Samantala, isang seksing female host naman ang mang­gugulo sa kalsada linggu-linggo. Sa unang episode, ang Starstruck V avenger na si Nina Kodaka ang maglilibot sa kalsada ng Metro Manila upang magtanong sa mga manonood ng kanilang mga hula at opinyon sa mga pagsubok at sa 24 na kalahok.

Sino ang magsasaya kahit may tama sa kasu-kasuhan? Sino naman ang masasaktan hang­gang sa kahuli-hulihan?

Mapapanood ito bago mag-Family Feud. (SVA)

Show comments