Mark siguradong mami-miss sina Piolo, Sam and Erik

Hindi ko alam kung ipagpapatuloy pa ng marami ang ginagawang pagkukumpara kina Pokwang at Melai Cantiveros gayung wala naman silang napapala rito. Hindi ito kinakagat ng dalawa. Si Pokwang, hindi bababa sa lebel ni Melai na isa lamang baguhan. Si Melai naman hindi papayag na magamit si Pokwang para siya sumikat. Gusto niyang sumikat sa sarili niyang pamamaraan. Kung hindi, mananatili na lamang siya ng GenSan at ipagpapatuloy ang pagtuturo niya.

* * *

Kung totoo man na nag-aaway sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban, sa ginagawang pakikialam ng marami, baka tuluyan na silang magkasira. Hayaan natin silang ayusin ang relasyon nila.

Isa ang relasyon ng dalawa sa kinaiinggitan dahil matatag ito sa kabila ng maraming intriga. Sana hindi maging dahilan ang pagiging habulin ng babae ni Derek para ma-insecure si Angel at masira ang katatagan ng kanilang pagsasama.

* * *

I’m sure, hindi happy si Mark Bautista sa ginawang paglilipat sa kanya ng Viva na humahawak at nagmamaneho ng kan­yang career sa GMA 7 kahit pa mabi­big­yan siya rito ng magagandang proyekto.

Maiiwan niya sa ABS CBN ang kanyang mga kaibigan at ka-grupo. Maraming taon din silang nagsama at talagang mahirap mag-alaga ng friendship.

Mami-miss din for sure si Mark nina Piolo (Pascual), Sam (Milby), Chris­tian (Bautista) at Erik (Santos). Marami silang plano na magkakasama. Matapos kaya ito ngayong wala na si Mark? Sana hindi.

Show comments