Matigas ang boobs!: Sexy actress dinismaya sa one-night stand ang DOM
Kung titingnan ang sikat na sexy actress ay innocent-looking at hindi makabasag-pinggan pero payag pala ito sa pakikipag-one-night stand lalo na if the price is right, ’ika nga.
Ayon sa isang reliable source, nagkaroon ang aktres ng booking, mahal ang kanyang presyo dahil milyonaryong DOM na businessman ang naging customer nito.
Pero nang matapos ang one-night stand ay diskuntento at hindi nasiyahan ang DOM sa performance ng aktres sa kama. Paano ang tigas-tigas ng kanyang boobs at hindi pa ito gumagalaw dahil retokado.
Naimbyerna lang tuloy ang mayamang negosyante. Pero binayaran pa rin ng malaking halaga ang retokadang sexy actress.
* * *
Nang dumalo kami sa presscon nina Vilma Santos at Ralph Recto ay nagbiro ang huli at sinabing totoy pa lang siya ay best actress na si Vi pero biglang buwelo ito na mas mukhang bata sa kanya ang asawa dahil magaling siyang mag-alaga.
Sabi pa ng tumatakbong senador, sa ilang taon nilang pagsasama ng gobernadorang asawa ay ito pa rin ang pinakamagandang babae para sa kanya.
Si Vi naman, hindi nadadalian na naging public servant at lalo aniya itong maintriga kumpara sa showbiz.
‘‘Pinakamasarap pa rin sa akin ang showbiz at ito ang mundo ko dahil nananalaytay sa dugo ko ang pagiging isang artista. Dito ako lumaki at dito nabuhay. Hindi ko ipahihiya at mananatili akong bahagi ng industriya ng pelikulang Tagalog kailanman,’’ sabi ng aktres-pulitiko.
Mas pinili ni Vi na tumakbo muling gobernador dahil may vision siya para sa Batangas at hindi niya pababayaan ang Sangguniang Lalawigan. Si Ralph ang tumatayong adviser at tutor niya at ito ang nagbigay sa kanya ng ideya na pumasok ng UP Diliman at kumuha ng crash course sa public administration.
* * *
Halos lahat ng panauhin sa presscon ni Mother Lily Monteverde para sa mag-asawa ay mga opisyales ng Batangas at iisa ang kanilang sinasabi — naging dedicated public servant si Vi mula sa pagiging mayor hanggang sa maging gobernador.
Talo pa nga ni Vi ang mga lalaking naging mayor o gobernador ng Batangas dahil bukod-tanging siya lang ang nakapagpalinis ng lawa ng Taal,’’ anila.
* * *
Maganda ang konsepto ni Michael V. sa bagong trend ng reality sitcom ng GMA 7 titled Pepito Manaloto.
‘‘Ito ang kauna-unahang reality sitcom na maglalarawan ng true-to-life story ni Pepito Manaloto na nangangarap na magbigay ng komportableng buhay sa pamilya nang biglang manalo sa lotto at nag-iba ang buhay nang maging multi-millionaire,” sabi ni Bitoy.
“Marami ang makaka-relate dito. Kung ikaw ang mananalo, ano ang gagawin mo sa pera?”
Oo nga naman.
Magsisimula ang reality sitcom sa March 20 after Pinoy Records. Kasama pa sina Carmina Villaroel, Manilyn Reynes, Ronnie Henares, John Feir, at Joshua Pineda sa direksyon ni Bert de Leon.
- Latest