Pia nagrekomenda ng partner kay Vic

MANILA, Philippines - Artista at creative director din ng Pe­pito Ma­na­loto si Michael V., pero isa lang ang talent fee niya. Lagi aniyang ga­­nun kapag may show siya, lagi siyang may input na mga ideya para mas gumanda ang show.

Reality sitcom ang Pepito Manaloto at umaasa si Michael V. na magugustu­han ito ng mga viewers dahil hindi pa naga­gawa sa telebisyon ang ma­pa­pa­nood dito. Okay naman na naurong ang ai­ring nito from March 13 to March 20 dahil mas mahaba ang oras na i-promote ang show.

Hindi kabado si Michael V. na talent shows ng ABS-CBN at TV 5 ang katapat ng show niya dahil naniniwalang may au­dience sa pauusuhin nilang reality sitcom.

Hindi nasagot ng aktor kung magi-guest sa Pepito Manaloto ang ka-tan­dem niyang si Ogie Al­casid. Pero napa­panood na kasi sila sa Bubble Gang, sa magba­balik na Hole in the Wall, at sa TV commercial ng Del Monte San­dosenang Sarap All-In-One Sea­soning Mix. With the TVC, hin­di mami-miss ng kani­lang fans sina Yaya at Angelina.                                  

* * *

Nakausap namin si Direk Bert de Leon sa press­con ng Pepito Manaloto at kinumpirmang siya rin ang director ng sitcom ni Vic Sotto sa TV 5, ang TV ver­sion ng movie na Ang Darling Kong Aswang, pero ang magiging title ay My Darling Aswang.

Sabi pa ni Direk Bert, bukas, Mon­day na ang si­mula ng taping, wala pa nga lang airing date, pero mala­mang Sunday slot ilagay.

Si Cristine Reyes ang leading lady ni Vic sa pe­likula, pero sa TV series, ang Brazilian beauty na si Daia­na Me­ne­ses ang kapareha ni Vic. Na-tweet ni Pia Guanio na siya ang nag­reko­men­da kay Daiana kay Vic dahil hindi siya pinayagan ng GMA 7 na lumabas sa show ng TV 5.

“I hope you guys approve and support pa rin,” tweet pa ni Pia.

* * *

Nagpapalabas na ang GMA 7 ng tea­ser ng Party Pili­pinas, ang Sunday show na ipapalit sa SOP at kundi kami nagkakamali, boses ni Regine Velas­quez ang narinig naming kumanta ng theme song.

Nabanggit na ni Ruth Mariñas, ang in charge sa Par­ty Pilipinas, na gaganapin ang grand launching ng show nationwide mula Luzon, Visayas, Mindanao, at sa GMA Network Studio sa March 21, pero naba­sa naming naurong ang bonggang launching sa March 28.

Sabayan pa kaya ng ASAP ang grand launching ng Party Pilipinas ngayong naurong ang launching? Sa Boracay sana ang live telecast ng ASAP sa March 21 at malalaking ABS-CBN talents ang kanilang dadalhin dun.

Samantala, nabalitaan naming bukod sa mga main hosts at mga napiling magiging mainstays ng Party Pilipinas, may mga singers pang kina­kausap ang GMA 7 para mapabilang sa show.

Show comments