Inabsuwelto ni Michael de Mesa si Krista Ranillo. Pero supalpal naman ang dati niyang asawa, ang actress na si Gina Alajar sa mga naunang lumabas na insinuations na marami siyang alam tungkol sa naging relasyon ng dati niyang asawa at Krista. Minsang sinabi ni Ms. Gina sa kanyang interview sa Umagang Kay Ganda na kung anong message ang puwede niyang ibigay kay Krista, sumagot siya: “Gusto mong ma-censor tayo?”
Sa exclusive interview ni Tito Ricky Lo, sinabi ng aktor na walang third party nang maghiwalay sila ng actress.
“Without naming names, did ‘another woman’ cause the separation?” tanong ni Tito Ricky.
“Again, I want to make it clear. Sa separation namin ni Gina, there was no third party. It was just between Gina and me. I must admit that noong bagets pa kami, Gina and I would break up because of a third party but I would go back to Gina,” sagot ni Michael.
Tanong uli ni Tito Ricky, “So wala talagang third party sa break-up n’yo ni Gina, ha?”
“Wala talaga,” sabi ng aktor.
“Meaning hindi ‘siya’ (si You-Know-Who)?” ang dagdag na tanong ni Tito Ricky referring to Krista.
“Hindi siya. Basta, no third party involved. It was an amicable separation,” diin ni Michael.
Did you and Gina have ‘closure’?
“Yeah, mayroon. Under California law, we are divorced; under Philippine law, we are annulled. So we are both officially single and free, although committed na ako,” part pa ng interview.
Naging controversial si Gina Alajar nang lumaki ang issue sa kanyang status sa Facebook: “If I were Jinkee Pacquiao, I would not give up Manny. Krista Ranillo is not at all worth it!”
Pati ang kanyang mga anak ay hiningan ng reaction tungkol sa lumaking issue kina Gina at Krista.
Natatawa rin ang actor sa mga naglabasang kuwento kung saan dawit ang kanyang pangalan.
“It’s so funny nga because kung kailan pa ako lumayo, biglang nabuhay ang mga bagay-bagay na hindi naman na kailangang pag-usapan pa. It’s something that I don’t want to dwell on. It’s in the past. I’d rather talk about what’s happening to me now,” sabi pa ni Michael sa interview ni Tito Ricky.
Nilinaw din niyang nang makarelasyon niya ang isang dancer named Julie, hiwalay na sila ni Gina.
Say ni Michael, “Gina and I broke up in March 2001 and I met Julie a few months after that. To set the record straight, Julie was not the cause of our separation.”
Dumating ng bansa si Michael para mag-attend ng kasal ng kanyang anak na si Ryan Eigenmann. Pero wala siyang pinagbigyang interview except for Startalk and The Philippine Star.
Ano kayang masasabi ni Ms. Gina sa mga statements ni Michael na umalis na ng bansa last Thursday pa?
* * *
Absuwelto rin si vice presidentiable Edu Manzano sa issue na tumanggap siya ng milyun-milyon para tumakbong bise presidente ni presidentiable Gilbert “Gibo” Teodoro. Maugong ang balita noon na binigyan daw siya ng datung ng administrasyon na P30 million kaya siya napapayag na tumakbo.
Pero sa lumabas na issue na nagkaka-problema ang kampo niya sa gastusin sa kampanya at nabalitang uurong na ang TV host, ibig sabihin, walang datung na involved sa desisyon niyang maging bise presidente.
Napanood ko si Edu sa programa ni Ms. Karen Davila sa ANC at sinabi niyang “I’m running. I’m running to win.
“I have no regrets (running for vice president). I believe I’m the most qualified of all aspirants.”
Inamin din niya na “the administration party doesn’t have that much money” pero agad niyang dinugtungan na may assurance naman ang kanilang party na ang iba pang requirements ay ibibigay na.