MANILA, Philippines - Ang Dance Princess at TV star-actress na si Maja Salvador ay bumisita kamakailan sa Pozorubio, Pangasinan kasama ang Sisters Napkins para parangalan ang mga outstanding public school students ng probinsiya at ginanap ito sa bagong Magic Mall.
Isa sa mga socio-civic advocacies ni Maja at ng Sisters Feminine Napkins ay ang magkaroon ng mga provincial tours para humanap at maghirang ng mga magagaling na edtudyanteng babae mula sa mga publikong paaralan. Ang batayan ay hindi lamang galing sa grado kundi pati kabutihang asal.
Pinasaya ni Maja ang audience sa kanyang inihandang song and dance number, kasama pa ang ilang games at Sisters Napkins giveaways pagkatapos ng awarding ceremonies.
Sabi ni Aileen Go, vice president ng Megasoft (makers of Sisters Napkins): “Thankful kami kay Maja for sharing the Sisters Napkins’ civic commitment para ma-encourage ang academic excellence and healthy adolescent development sa mga public students.”
Idinagdag pa ng bossing na masaya sila sa pagkuha kay Maja dahil isinasalarawan na ng aktres ang success, good health, at girl empowerment sa murang edad.
Ayon naman kay Maja, tulad ng Sisters Napkins, naniniwala siya sa kakayahan ng kabataan bilang “hope of the society”. At naniniwala rin siya sa produktong iniendorso kaya tinatanggihan na niya ang ilang commercial endorsements na sa tingin niya ay hindi wholesome o healthy para sa kabataan.
Si Maja at ang buong team ng Sisters Napkins ay dumayo rin sa Dagupan City at Manaoag City bago sa Pozorubio.