^

PSN Showbiz

Mark mas dapat unahin ang trabaho kesa babae

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Wala na nga bang dapat ikabahala sina Mark Herras at Ynna Asistio dahil may blessing na ang mother ng huli sa nagsisimulang relasyon ng dala­wa? Napaka-suwerte pala nila. Hindi na sila dada­an sa butas ng karayom.

Kung sabagay, wala naman yatang problema si Nadia (nanay ni Ynna) sa dalawa. Pormal naman yata ang ginawang panliligaw ni Mark kay Ynna. Katunayan daw ay walang maipipintas ang pamilya ng dalaga sa aktor. Napapagkatiwalaan nila ito. Hindi ito ang tipo na dapat nilang katakutan. He treats Ynna well at napaka-gentleman naman sa dalaga at ma­ging sa pamilya nito. Nagsisilbi pa yata itong inspirasyon kay Ynna.

Kaya lamang, dapat ipaintindi sa dalawa na trabaho muna ang dapat nilang i-prioritize. Gamitin nilang inspirasyon ang kanilang relasyon pero huwag muna silang mag-seryoso. 

* * *

Dapat sigurong matuwa si Nora Aunor dahil panay ang pagtatanggol ng mga anak niya sa mga nagpapatutsada dahil sa ginawa niyang pagpapa-makeover sa Japan. Una na si Lotlot at ngayon naman ay si Matet.

Bakit nga naman dapat gawing negatibo ng marami ang ginawang ito ng superstar na parang wa­lang gumagawa dito sa atin. 

* * *

Pati pala ang may anak nang si Julia Clarete ay pumayag na ring maging cover ng isang men’s magazine. Kung sabagay, wala namang masama rito. Kung may katawan kang dapat at puwedeng ipakita, eh di gawin mo! Kung si Jean Garcia na may dalaga na ay naging cover pa rin ng isang men’s mag bakit naman hindi si Julia.

Iba na ang konsepto ngayon ng sexy. Di tulad nung araw na para maging sexy ay kailangang bilugan ang katawan mo at boobsy.

* * *

Magkalaban nga ba ang grupong Enpress at PMPC? Nabasa ko kasi na finally eh pinagbati ni Daniel Razon ang dalawang grupo na magka­sabay niyang inanyayahan sa isang thanksgiving party at belated Christmas party na ginanap sa Ratsky Morato kamakailan lamang.

Ngayon ko lang narinig na hindi nagkakasundo ang grupong ito? Ang alam ko, kahit nabibilang sila sa dalawang magkaibang grupo ay still friends pa rin ang mga miyembro nito. Hindi sila nagkakagalit, hindi nagkakainggitan. I’m sure kung ano man ang relasyon ng dalawang grupo ay healthy ito sa mga trabahong ginagawa nila.

Samantala, ipinaaabot ng mga kaibgan ko sa press ang kanilang pasasalamat sa napakaraming tulong na ibinibigay sa kanila ni Kuya Daniel Razon. 

DANIEL RAZON

DAPAT

JEAN GARCIA

JULIA CLARETE

KUYA DANIEL RAZON

MARK HERRAS

NORA AUNOR

RATSKY MORATO

YNNA

YNNA ASISTIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with