Bilib na bilib si Mother Lily Monteverde sa galing ni Batangas Gov. Vilma Santos. Galing daw magsalita ng gobernadora at ramdam niya na mula sa puso ang mga sinasabi nito. “Sobra ang sincerity ni VI,” ulit ni Mother.
Sayang at hindi ako naka-attend sa presscon. Hindi ko napakinggan ang sinabi ni Gov.
Anyway, naka-tsika namin si Mother Lily sa birthday lunch blowout ni Tito Ricky Lo for Tita June Torrejon sa Romulo Café.
Isa si Mother sa pinakamaaga sa nasabing venue kaya may time na makipagtsikahan.
Si Ms. Joy Belmote na tumatakbong bise alkalde ng Quezon City ang kauna-unahang kandidato na ipina-presscon ni Mother Lily.
Umalis din agad si Mother dahil bibisitahin pa raw niya ang bago niyang farm sa Batangas. “Batanguena na ako,” tawa ni Mother.
Anyway, very intimate ang nasabing lunch for Tita June.
Napagtsikahan na si Tito Ricky pala sana ang makakasama ni Ruffa (Gutierrez) na certified ka-Shake na sa talk show sa TV5 with Ryan Agoncillo and Georgina Wilson.
Pero as we all know, nag-back out si Tito Ricky dahil nakaramdam siya ng kakaiba nang araw na pipirma na siya ng kontrata sa TV5.
Present sa nasabing lunch sina Tita Virgie Ramos, Manay Echu Maceda, Mr. Danny Dolor, Tita Dolor Guevarra, Direk Boots Plata, Ms. Jo-Ann Maglipon, Ms. Shirley Kuan, Tito Ronald Constantino, Ian Fariñas, Ms. Malou Choa-Fagar, Tito Ronald Constantino, Grace Poe, and Tita Ethel Ramos.
* * *
Tatawa-tawa si Gerald Anderson nang uriratin namin kung ano ba ang totoo sa issue sa kanila ni Jennylyn Mercado.
“Hindi ko nga alam kung bakit lumaki ang issue,” sagot agad ng aktor na magbi-birthday sa March 7.
Kapitbahay ba niya si Jennylyn?
“Yup, kapitbahay ko siya. Maganda kasi sa village namin kakaunti ang tao. Puwedeng mag-bike,” paliwanag niya.
Kapitbahay as in magkatabi ba ang bahay nila?
“Hindi kailangan mo pa ring mag-kotse,” sabi niya.
Nagsimula raw ang nasabing kuwento nang siguro ay may makakita na nagpa-picture ang yaya ng anak ni Jennylyn at magpapirma pa ng autograph sa kanya habang naglalakad-lakad sa kanilang village.
Pero puwede kaya siyang ma-in love sa dalagang ina?
“Depende sa sitwasyon. Siguro pag may nakilala akong mahal na mahal ko talaga, bakit hindi. Pero ngayon hindi pa,” paliwanag ng aktor na bisi-bisihan kahapon dahil after ng nasabing tsikahan with the entertainment press, didiretso siya sa isang charity event ng mga batang may kanser.
Nagagandahan ba siya kay Jennylyn? “Oo naman, ang ganda niya, sobra.”
Ano na nga bang status ng relasyon nila ni Kim (Chiu)? “MU (mutual understanding) na kami. Masaya dahil araw-araw kaming magkasama.”
Anyway, inabot pala ng P11 milyon ang ipinatayo niyang bahay. “Masakit sa ulo. Pero tapos na,” kuwento niya.
Binalita rin niyang mag-uumpisa na rin si Kim ng construction ng bahay nito.
Matatas na ring mag-Tagalog si Gerald dahil sa mga kaibigan niyang non-showbiz na Tagalog kung kausapin siya.
Wish ni Gerald sa kanyang 21st birthday, magpatuloy ang natatanggap niyang biyaya dahil marami pa raw siyang gustong gawin sa career niya.