PSN reader minura-mura ni Chokoleit; Aktres sobrang magyabang may utang naman

Nagsumbong sa akin ang isang reader ng PSN. Pinagmumura raw siya sa Facebook ng isang bading na komedyante.

Hurt ang reader dahil nag-comment lang siya sa Face­book account ng komedyante, naka­tanggap siya ng sangkatutak na mura at panglalait.

At para i-prove na totoo ang kanyang sumbong, ipi­nadala sa akin ng reader ang kopya ng litanya ng gay comedian.

Malulutong na mura at panglalait ang ipinatikim ng vaklush sa reader pero hindi naman nito sinabi sa akin ang comment niya laban sa gay comedian na iki­nagalit nito.

Para sa lahat ang aking opinyon, mga tao rin ang mga artista. Marunong din silang masaktan, lalo na kung mga below-the belt ang mga komento ninyo laban sa kanila.

Hindi siguro magiging bayolente ang reaksiyon ng comedian kung hindi ito nasaktan. Kung mata­pang kayo na manglait ng kapwa at matitindi ang inyong mga komento, maging ready kayo sa effect ng inyong mga pagtataray.

Ang pangalan ng comedian ay Chokoleit!

* * *

Bukas na ang grand coronation night ng 2010 Bb. Pilipinas sa Araneta Coliseum kaya mga babae na wala nang pahinga ang 24 na kandidata.

Napanood ko ang guesting ng mga contender sa Family Feud. May karapatan na maging beauty queen ang karamihan sa kanila pero tatlo lang ang puwedeng mag-win ng mga major beauty title.

Sina Dingdong Dantes at Carla Abellana ang mga host sa grand coronation night. Kabilang sa mga performer sina Victor Aliwalas at Arnel Pineda.

* * *

Nabasa ko kahapon ang report na hindi happy si Edu Manzano dahil sa kakulangan ng campaign resources.

Si Edu ang running-mate ni Gibo Teodoro. Fresh na fresh pa sa utak ko ang sinabi ni Edu nang makipagtsikahan ito noon sa entertainment press. Happy daw siya sa team-up nila ni Gibo at naibigay sa kanya ang lahat ng kailangan niya para sa kampanya.

Wala pang comment si Edu tungkol sa intriga na may mga problema siya sa partido ni Gibo.

Knowing Edu, lilinawin niya ang balita para mawala ang mga kumakalat na pagdududa.

* * *

Isang aktres na may utang pero imbes na magbayad, nagyayabang pa na malaki ang kanyang kinikita ngayon kesa noong active pa siya sa showbiz.

Pinagtataasan ng kilay ang pagyayabang ng aktres dahil kung talagang richie-rich na siya, bakit hindi niya mabayaran ang kanyang barya-barya na utang?

* * *

Ibabalik sa The Last Prince ang werewolf character ni Daniel Matsunaga dahil maraming fans ang nagre-request.

Pinagbigyan ng GMA 7 ang hiling ng fans kaya nag-taping na uli si Daniel para sa fantaserye nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Dusa si Kris Bernal sa mga eksena niya dahil sa prosthetics na inilalagay sa kanyang mukha. Lalong uminit ang pakiramdam ni Kris dahil sa prosthetics na sinabayan ng mainit na panahon.

* * *

May mga guesting na sina Diva Montelaba at Nina Kodaka. Silang dalawa ang special guest ngayong hapon sa Wow Hayop nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Mga amazing na kuwento tungkol sa mga hayop ang segment nina Diva at Nina. Natural comedienne si Nina kaya hindi ako magugulat kung malinya siya sa mga comedy show.

Si Nina ang StarStruck Avenger na ayaw nang bumalik sa Japan dahil nag-e-enjoy siya sa Pilipinas. Kakaiba si Nina dahil kung libu-libong Pilipina ang nangangarap na makarating at ma­ka­pagtrabaho sa Japan, mas gusto niya na mamalagi at magtrabaho sa Pilipinas.

Sa mga type na mapanood uli si Nina sa TV, watch n’yo ang Wow Hayop sa GMA 7, ngayong hapon.

Show comments