Makikipagsabayan na talaga ang TV5 sa ABS-CBN at GMA 7 at ngayong araw, may station ID shoot sa CMB Studios ang mga Ka-Shake talents. Ngayon lang yata magkakaroon ng station ID ang network, kaya excited ang lahat ng talents. Dumating na kaya sa station ID shoot sina JC de Vera at Ruffa Gutierrez?
Bukas, ang pictorial naman ng hosts ng weekend showbiz talk show hosts na ang kumpirmadong hosts ay sina Lourd de Veyra at Cristy Fermin. Again, dumating kaya sa pictorial si Ruffa na sabi, makakasama nina Lourd at Cristy sa show?
Nauna nang nag-pictorial si Cristy para sa Juicy, ang daily showbiz show ng TV5 at kung saan, makakasama naman niya si Mo Twister, pero ‘di raw dumating si Mo.
Sa March 22 airing ng Juicy, kasama na si Cristy.
* * *
Malapit sa puso ni Diether Ocampo ang indie film na Slow Fade and in fact, umiyak siya nang mabasa ang script ni Paul Sta. Ana dahil nangyari sa kanya. Sa movie, gagampanan niya ang role ni Darius, isang filmmaker dying of brain cancer at bago mamatay, gumawa ito ng videos tungkol sa kanya at sa komunidad at mga kapitbahay niya.
Ginawa ito ng tatay niya na namatay ng colon cancer noong six years old pa lang siya. Dahil ‘di na makikita ang paglaki niya, nag-tape ang tatay niya ng mga paalala at mensahe para sa kanya na nasa pangangalaga ng kanyang ina. Kaya naman, nang i-offer ang project, hindi na niya pinakawalan.
Ang Slow Fade ay produced ng PLDT-Smart Foundation at Cinemabuhay International at winner sa 2009 nationwide search for original scripts ng bago at independent filmmakers at sa direction ni Rommel Sales.
Samantala, tinanong namin si Diether kung totoong break na sila ni Rima Ostwani at hindi niya kami sinagot ng deretsong “yes” or “no.” Heto ang sagot ni Diether: “Sa buhay, dumaraan tayo sa mga pagsubok, but I am hoping for the best. Normal sa relasyon ang dumaan sa ganitong sitwasyon. Sa puso ko, kami pa rin. Ako ‘pag nagmahal, todo, ako ang umiiyak palagi.”
So, pinaiyak siya ni Rima?
“Hindi naman. Mas maganda na ako na lang ang paiyakin kesa ako ang magpaiyak.”
Malabo, ‘di ba? But reading between the lines, break na nga sila. Sayang!
“Congrats sa kanila” naman ang reaction ni Diether sa balitang ikakasal na sina Oyo Sotto at ang ex niyang si Kristine Hermosa at ‘yun lang talaga ang sinabi niya.
* * *
Sa Panday Kids, napili si Charlie (Sabrina Man) na gumanap na Virgin Mary sa school at sa inggit ni Jenny (Ella Cruz) sasaktan ang kapatid dahil mang-aagaw daw ng role. Pinuri ang husay umarte ni Charlie, pero malalaman ng audience na may mga sungay siya.