I’m sure spur of the moment lamang ang desisyon ng ABS-CBN na tangkaing i-duplicate ang tagumpay ng May Bukas Pa na dinala sa kasikatan ng batang si Zaijian Jaranilla o mas kilalang Santino by extending the episode of Agua Bendita na kung saan ang tampok ay ang batang babae na si Xyriel Manabat na gumaganap ng role ng kambal na sina Agua at Bendita.
Ang pangyayaring ito ang nagdudulot ng pagkainip sa bagong artista na inilulunsad sa serye na si Andi Eigenmann lalo na sa kanyang inang si Jaclyn Jose dahil natatagalan na ang pagdadalaga nina Agua at Bendita at ang paglitaw ni Andi sa serye.
Pero masisisi ba ang network kung mangyari ang ganito? Wala naman siguro sa plano pero ang biglang pagkagusto ng mga manonood ng TV sa batang si Xyriel ay hindi maaring ipagwalang bahala na lamang kung kaya bukod sa natatagalan ang exposure nito ay ginagawa na rin nila itong mala-Santino, na nakakagamot ng mga malulubhang karamdaman.
Kung hanggang saan aabot ang pagiging miracle girl ni Agua at ang pagiging versatile performer ni Xyriel ang siyang pinakaaabangan ng lahat.
At hanggang nagbibigay siya ng mataas na rating sa serye, I’m sure matatagalan pa bago siya magdalaga.
* * *
Akala ko, talagang bagong artista si Barbie Forteza ng First Time ng GMA 7. Hind pala, kasi may napanood akong isang indie film na mala-Magnifico ang dating na kung saan nagpamalas siya ng husay sa pag-arte. Pinaiyak niya ako sa kanyang portrayal ng isang deaf mute.
Hindi ko alam kung matagal na ang pelikula na pinamagatang Puntod at nasa direksiyon ng magaling na broadcaster na si Cesar Apolinario pero introducing sa movie si Barbie na mas mukhang bata pa sa kanyang edad na 14.
Kaya naman pala wala na siyang uneasiness sa pag-arte at komportable na sa harap ng mga kamera. At hindi rin siya napag-iiwanan sa pag-arte ng Star awardee for TV na si Joshua Dionisio. (Ang Puntod ay isang indie film noong 2008 na pinangungunahan ni Mark Gil. Nag-audition si Barbie sa nasabing indie film na hindi alam na magiging bida siya. – SVA)
* * *
Hindi sa Sagrada Familia inaasahang mas mag-uuwi ng maraming awards sa mga international filmfests mapaparangalan si Lovi Poe kundi sa isa pa ring indie film na ginawa niya, ang Walang Hanggang Paalam na prodyus ni Jacky Woo na siya ring gumanap na lead actor sa pelikula. Hindi yun isang May/December love story na puwede rin sana kundi na-reveal sa bandang huli ng pelikula na mag-ama pala sila na nagbibigay ng temang incest.
Katumbas ng Best Picture ang napanalunan ng pelikula sa Soho Film Festival sa New York.
* * *
Nakakainis talaga kapag ang isang artista ay bigla na lang mawawala at iiwan ang kasalukuyan niyang programa na nakabitin sa ere. Ginawa ito ni JC de Vera na may magandang role sa Panday Kids.
Mabuti na lamang at kasisimula pa lang ng serye, madali pang makaka-recover sa pagkawala ng kahit isang mahalagang tauhan sa Panday Kids na katulad ng ginagampanan niya, nagawa ito nung mawala sa kalagitnaan ng Tinik sa Dibdib si Sunshine Dizon at pinalitan ni Nadine Samonte. Ngayon pa kaya ito hindi mareremedyuhan ng Siete?
Ang mga ganitong unprofessionalism ang tila nagsisimula nang umiral sa marami nating artista. Hindi lamang naman si JC ang gumawa nito, marami na rin. Yun nga lang, siya ang pinaka-latest.
Nagsisisi kaya ang GMA 7 na binigyan pa nila ng pagkakataon ang young actor matapos nilang halos i-freeze ang career nito?
Dapat expected na nila na mangyayari ito. At si JC naman, dapat hindi na tinanggap ang project kung may negosasyon na silang ginagawa para sa ibang network.
I’m sure naniguro lang sila dahil kapag hindi naging maganda ang ginagawa nilang negosasyon, meron pang project sa GMA na nasasandalan habang naghahanap sila ng malilipatan.
Kailangang magpaliwanag tungkol dito si JC.