Ang dami-daming nagro-root para sa girlfriend ni JayR na kasali sa Bb. Pilipinas na si Krissa Mae sa showbiz na ang buong pangalan pala ay Krissa Mae Arrieta. Siya ang kandidato na may numerong 11 sa ginaganap na Bb. Pilipinas beauty pageant na ang finals ay magaganap at mapapanood sa GMA7 ngayong Linggo ng gabi.
Maganda naman si Krissa Mae at matangkad pa. Talagang nasa kanya ang lahat ng mga katangian para maging isang Bb. Pilipinas. Nung pre-pageant ay marami na ang nakapansin sa kanya. Kinilig pa nga ang maraming manonood na nakakabatid ng relasyon nila ng R&B singer na si JayR nang kumanta ito sa pre-pageant, sa tabi pa mismo ni Krissa Mae.
I’m sure hindi rin mangangapa sa Q&A ang magandang kandidata dahil Inglesera ito. Ito ang madalas nagiging problema ng mga sumasali sa Bb. Pilipinas, magaganda nga sila pero, hindi matatas sa wikang banyaga.
Hindi ko naman alam kung bakit nagpipilit silang mag-Ingles gayung puwede naman silang mag-Tagalog. Matagal ko na ngang pangarap na makakita ng isang Miss Philippines na nagta-Tagalog at gumamit ng interpreter sa mga international beauty pageants.
Nahihiya ba tayong magsalita sa lengwahe ng mga Pilipino?
* * *
Talagang hanga ako sa pagiging nanay ni Vina Morales. Kahit sagsagan at sagaran ang taping niya sa Agua Bendita ay hindi niya napapabayaan ang anak niyang nasa ospital for viral infection.
Kahit na andun ang buo niyang pamilya sa ospital para tulungan siya sa pagbabantay sa anak niyang si Ceana ay gusto niyang siya mismo ang mag-alaga dito. Kaya naman tuwing makakatapos siya ng eksena at kapag may mahabang break, takbo agad siya sa ospital.
Talagang ang mundo niya ay umiikot ngayon sa kanyang anak. Lahat ng pagpapagod niya ay dahil dito, lahat ng plano niya sa hinaharap ay nakasentro sa kanyang anak.
Marami nga siyang offer ngayon pero pinalalaki muna niya si Ceana. At kapag umaalis siya, tinitiyak niyang sandali lamang siya mawawala. Kapag puwede nang ibiyahe ang kanyang anak ay isasama na niya ito sa lahat niyang lakad. Ganung closeness between mother and daughter ang gusto niyang kalakhan ng anak.
* * *
I’m sure iniintriga lang si Jennylyn Mercado kay Gerald Anderson. Hindi bale nang magkaroon ng intriga pero sana, huwag namang palabasin na si Jennylyn ang naghahabol kay Gerald. Para tuloy pinalalabas na desperado na ito sa lalaki. Maganda naman ito, may matagumpay na career at may talento sa pag-arte. Ang pagkakaroon nito ng anak ay hindi dahilan para magpaka-cheap siya, marami naman siyang manliligaw.
Pinag-aaway ba sila ni Kim Chiu? Huwag naman din sana. Walang dahilan. Ayaw nga ni Jennylyn na mag-focus sa lovelife niya, tapos iintrigahin pa siya kay Gerald.
Sinabi rin ni Jennylyn na never niyang inilusyon ang kapareha ni Kim.