MANILA, Philippines - Tatlong naglalakihang mga pangalan sa larangan ng acoustic scene — Aiza Seguerra, Juris Fernandez, at Princess — ang magsasanib-puwersa sa concert na pinamagatang Acoustic Sessions with Aiza, Princess and Juris na gaganapin sa April 16, 8 p.m., Skydome sa SM North EDSA.
Pawang mga platinum artists din ang tatlong singers batay sa lakas ng benta ng kanilang solo album. Si Aiza ay nakilala sa kanyang big hit na Pagdating ng Panahon, samantalang si Juris naman ay sumikat sa grupong MYMP na ngayon ay nagso-solo na, at si Princess naman ay nakilala dahil sa naging bestseller ang kanyang Addicted to Acoustic na may laman na acoustic version ng Single Ladies ni Beyoncé.
Mula sa Viva Concerts and Events, siguradong isang malaking tagumpay ang Acoustic Session with Aiza, Princess and Juris dahil sa napakaraming tagahanga ng tatlong sikat na acoustic singers.
Mabibili ang mga tiket sa lahat ng SM Ticketnet outlets (911-5555) na nagkakahalaga ng P1,500 (Gold) at P1,000 (Silver). Para sa dagdag-kaalaman, tumawag sa 687-7236 and 633-3808.