^

PSN Showbiz

Buhok ni Glaiza hindi maayos ang pagkakakabit

- SEEN SCENE -

SEEN : Si G Kinis, ang gay judge sa Diz Iz It.

Nakababatang kapatid nina Lea at Gerard Salonga si G.

SCENE : Wala si Rich Asuncion sa Bini­bining Pilipinas 2010 Pre-Pageant Night.

Ito ang resulta ng kanyang reklamo na hindi pa niya nakukuha ang cash prize bilang 1st runner-up sa 2009 Bb. Pilipinas Contest.

Ibinigay na kay Rich ang kabuuan ng kan­yang premyo.

SEEN : Nakatira pa rin si Rufa Mae Quinto sa bahay nila sa Cubao. Hindi pa matutuloy ang pag­lipat ni Rufa Mae sa ipinagagawang bahay sa Corinthian Hills.

SCENE : May mali sa hair extender ni Glaiza de Castro. Hindi maayos ang pagkakakabit ng hair extender ni Glaiza.

SEEN : “Cougars” ang tawag kina Dina Bon­nevie, Eula Valdez, at Jean Garcia sa website ng Female Network. Cougar ang tawag sa mga may edad na babae na nagkakaroon ng relas­yon sa young men.

SCENE : Gaya-gaya si Senator Noynoy Aqui­­no sa pasya ng kanyang ina na maninira­han siya sa Times St. kung mahahalal siya na presidente ng Pilipinas.

Ginawa na ito noon ni President Cory ngunit hindi nagtagal dahil security risk ang araw-araw na biyahe niya. Nanirahan ang Aquino Family sa guest house sa Arlegui St.

SEEN : Sina Jodi Sta. Maria at Anne Curtis ang mga punong-abala sa fund-raiser para sa may-sakit na nanay ni Francine Prieto sa Bar­rakz noong Linggo ng gabi.

Kanguso ang pangalan ng fund-raiser mula sa pinag-combine na Kapamilya at Kapuso.

SCENE : Ginagamit ng ibang TV personality ang TV 5 upang magkaroon ng increase ang ka­nilang talent fee. Naglalabas sila ng press release na may alok na show sa kanila ang TV 5 kahit walang offer.

ANNE CURTIS

AQUINO FAMILY

ARLEGUI ST.

CORINTHIAN HILLS

DINA BON

DIZ IZ IT

EULA VALDEZ

FEMALE NETWORK

FRANCINE PRIETO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with