Sunshine Dizon nagmamaldita na naman!
Maaaring may nananalaytay na dugong banyaga sa katawan ni Billy Crawford pero Pinoy na Pinoy siya sa maraming bagay. Tulad nang pagkain ng tuyo at sinangag na siyang paborito niya. Ewan ko lang kung nagbago na ang panlasa niya sa pagkain pero nung madalas pa kaming magkasama ay Pinoy ang taste niya for food.
Nabasa ko kasi na seloso ito pagdating sa relasyon. May nag-aalok sa girlfriend niya na mag-pose sa isang men’s mag pero ayaw niya.
Wala namang masama kung totoo ito. Baka hindi naman siya nagseselos, over protective lang sa kanyang minamahal.
Maraming lalaki ang ganito pero I’m sure hindi si Billy ang tipo na pipigilin ang pag-usad ng career ni Nikki Gil. He will even support her. At kung ayaw niyang payagan ang girlfriend niya na mag-pose sa men’s magazine, karapatan niya ’yun. But Nikki can always convince him.
* * *
Si Vilma Santos gustong makatrabaho si Nora Aunor. Nakapagtataka ba ito eh isang alagad ng sining si Vi na walang aayawan kung ang pag-uusapan ay ang kanyang passion as an actress? Working with Nora will be good for her career. Pareho naman silang may narating na at secure na sa kanilang posisyon. Walang dahilan para ayawan niyang makatrabaho ang superstar. Alam ko na ganito rin ang magiging saloobin ni Guy.
Ito siguro ang dapat pagplanuhan, ang pagsasama nilang dalawa sa isang project. Sana may movie production na gumawa nito dahil tiyak aabangan at panonoorin ito ng lahat. Puwede rin itong pagtulungang gawin ng Star Cinema at GMA Films.
* * *
At least nakikinig naman si Claudine Barretto sa payo ni Raymart Santiago na huwag na siyang magkomento tungkol kay Mark Anthony Fernandez. Nagkausap na kaya sina Mark at Raymart? Sinabi ni Mark na since hindi sila magkausap ni Claudine ay kay Raymart na lamang siya didispensa.
Agree ako sa napagpasyahang ito ni Mark. With Raymart, makakapag-usap sila ng mabuti ng walang emosyong masasanggi. Ako nama’y naniniwala na hindi mawawala ang emosyon kapag sina Mark at Claudine ang mag-uusap. Sparks will fly kaya hindi rin ako magtataka kung iniiwasan ni Mark na magkaroon sila ng direktang komprontasyon ni Claudine.
* * *
Hay naku, ’di pa nakababalik ng husto si Sunshine Dizon ay balitang nagmamaldilta na naman ito? Kapag wala sa mood, ayaw na namang magtrabaho?
Ano ba ito, pinipilit ba siya ng kanyang ina na mag-work? Kung ayaw niya, huwag pilitin, para wala siyang maapektuhang ibang tao.
Baka naman talagang ayaw na niyang mag-showbiz, eh pagbigyan na lamang siya sa gusto niya. Mabuti na lamang at nakakabalik pa siya sa GMA 7. Mabuti na lamang at may talento siya kundi matagal na siyang pinakawalan ng istasyon.
- Latest