Napuno ang inbox ko ng e-mail mula sa mga readers na nag-forward sa akin ng mga litrato ng isang napakagandang bahay sa Amerika na pag-aari raw ni Sen. Manny Villar.
May malisya ang mga e-mails dahil pinalalabas na naghihirap ang maraming Pilipino pero pagkaganda-ganda raw ng bahay ni Papa Manny sa ibang bansa.
Sa totoo lang, hindi shocking ang mga pictures ng beautiful house. Baka magtaka pa ako kung walang bahay sa Amerika si Papa Manny dahil sangkatutak ang mga properties niya sa Pilipinas? Normal na maka-afford si Papa Manny na magkaroon ng magandang bahay sa ibang bansa dahil alam nating lahat na bilyonaryo siya.
* * *
Tungkol naman kina Gerald Anderson at Kim Chiu ang kuwento ni Leda Camitan. Kilig na kilig si Leda sa loveteam nina Kim at dahil sa eksena na na-witness niya sa isang restaurant sa Eastwood City. Ito ang kuwento ni Leda:
“Grabe ang sweetness nila nang makita ko sa isang mamahaling restaurant sa Eastwood last Sunday. Lantaran talaga ang kanilang relasyon when I saw them together.
“Ngayon lang ako nakakita ng magkarelasyon na iisang plato ang gamit habang kumakain. In fairness naman sa dalawa, enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa. Kung puwede nga lang silang bigyan ng score, talagang mabibigyan mo ng perfect 10. OMG!”
* * *
Naniniwala ako sa kuwento ni Leda dahil sweet na sweet din sina Kim at Gerald nang ma-sight sila ni Aster Amoyo sa isang supermarket sa The Fort.
Ang sey ni Mama Aster, pahalik-halik pa si Gerald sa pisngi ni Kim habang nasa loob sila ng supermarket. Hindi namalayan ng dalawa na may taga-showbiz na nanonood sa kanilang PDA.
So, balewala ang nakita ni Leda na pagkain nina Kim at Gerald sa iisang plato. Mas matindi ang eksena na na-witness ni Mama Aster.
* * *
Asking naman si Mirf sa kinaroroonan ngayon ng aktres na naging dyowa ng isang sikat na pulitiko.
Si Mirf ang reader na nagpadala noon sa akin ng e-mail at nagkuwento na nakita niya sa Louis Vuitton Paris sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Hindi ko alam ang mga nangyayari ngayon sa buhay ng aktres na matagal nang hindi active sa showbiz.
Pero nalaman ko ang balita na gusto niya na lumantad at magpa-interbyu dahil ibubulgar niya ang pananakit sa kanya ng pulitiko noong sila pa ang magkatsugihan.
Ang dinig ko, gustong lumapit ng aktres sa mga kalaban sa pulitika ng kanyang ex-dyowa para humingi ng tulong. Nag-isip na mabuti ang kanyang mga nilapitan. Kung papatulan nila ang drama ng aktres, baka makuha pa ng ex-dyowa nito ang simpatiya ng publiko kaya dinedma nila ang ginawang paglapit sa kanila.
Hindi ugali ng kampo na nilapitan ng aktres ang manira ng kapwa. Ayaw na ayaw nila na sinisiraan sila kaya hindi rin sila naninira kesehodang panay ang paninira sa kanila ng mga kalaban nila sa pulitika.
* * *
Matinding insecurity ang naiisip na dahilan ng mga fans sa madalas na pambabara ng isang aktres sa kanyang kapwa aktres.
Lantaran ang panghihiya na ginagawa ng aktres pero hindi siya successful dahil dinededma ng kapwa aktres ang kanyang pagmamaasim.
Ang nakabubuwisit na pagtataray ng aktres ang napipintasan ng mga tao, hindi ang aktres na favorite niya na barahin. Kahit saang anggulo tingnan, mas maganda at mahusay manamit ang aktres kesa kay Barbara. Barbara dahil mahilig ito na mangbara.